Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

MWP bagsak sa parak

SWAK sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong akusado na si alyas Ronnie, 36 anyos, residente sa Brgy. 164, Talipapa, Quezon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong 9:15 pm sa Area 4, Pinalagad, Brgy. Malinta.

Ayon kay P/Cpt. Sanchez, si alyas Ronnie ay inaresto sa bisa ng order of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B. Melicor ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 284, noong 23 Hunyo 2023, sa kasong Murder.

Pansamantalang ipiniit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …