Friday , November 15 2024
John Rey Tiangco SMART BNEO Navotas

Mayor Tiangco sa barangay executives  
EXCEED EXPECTATIONS

 

HINAMON ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executives na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.

 

Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Tiangco ang mga pinuno ng barangay na lumampas sa inaasahan.

 

“Hindi sapat na sundin lang natin ang sinasabi ng DILG na mga programa. Merong mga standard pero hindi ibig sabihin, hanggang d’yan lang tayo. Ang gusto natin sa ating lungsod, laging lagpas tayo sa inaasahan sa atin,” aniya.

 

“Having good intentions alone is not enough. We must accomplish whatever it is we aimed for when we ran for office,” dagdag niya.

 

Ang pamahalaang lungsod ng Navotas, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ay nagsagawa ng serye ng capacity-building activities para sa mga bagong halal na opisyal ng 18 barangay sa lungsod, at sa kani-kanilang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson at empleyado.

 

Layunin nilang turuan ang mga opisyal at empleyado ng barangay sa mga mandato at batas tungkol sa mga tungkulin at pagsunod na may kaugnayan sa epektibong pamamahala sa barangay.

 

Ang SMART BNEO ay hinati sa dalawang yugto kung saan ang una ay isinagawa noong 23-24 Nobyembre, sa Pangisdaan Hall, Navotas City Hall. Ang ikalawang bahagi naman ay ginanap noong 4-7 Disyembre 2023 sa Suzuki Beach Hotel, Subic, Zambales.

 

Ang mga kalahok ay sinanay sa paglikha ng mga action plan at peace and order, anti-drug abuse, disaster risk reduction and management, health emergency response, solid waste management, gender and development, at proteksiyon ng mga kabataan.

 

Tinalakay din sa paksa ang budgeting, procurement, auditing, at full disclosure policy, gayondin ang Safe Spaces Act, 10-point Agenda ng kasalukuyang administrasyon, at ang thrust para sa Smart LGUs.

 

Noong nakaraang buwan, pinangunahan ni Mayor Tiangco ang oath-taking ceremony ng 288 bagong hinirang na barangay at SK officials ng Navotas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …