Friday , May 16 2025
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male starlet ayaw nang magpanggap na good boy

ni Ed de Leon

MAGANDA ang naisip ng isang male starlet nang dumami na ang mga member ng kanyang fans club. Unti-unti na niyang inaamin sa kanila ang kanyang mga pagkakamali. Sa ganoon nga naman hindi na mabibigla ang mga iyon kung kumalat man ang hindi magandang kuwento tungkol sa kanya.

Mukhang alam na ng kanyang fans ang pagiging “car fun boy” niya kaya kung sabihin nila,“wala na kaming pakialam sa sideline niya hindi naman namin maibibigay ang kinikita niya roon.” Isa pa naiintindihan din naman nila na maliit lang ang bayad sa male starlet kahit na sa events na kanyang sinasalihan. After all, wala naman siyang naipakikita kundi ang kanyang pagsasayaw na halos paulit-ulit lamang. 

Maliit lang din naman ang bayad sa kanya sa mga gay series dahil hindi naman siya bida sa mga iyon. Ni hindi nga siya isa sa mga bida, talagang support lang siya. 

Naunahan pa siya ng mga mas baguhan sa kanya na mas nagustuhan ng fans.

Siguro naisip niyang kaysa magpanggap siyang “good boy” aminin na niya ang kanyang baho unti-unti at kung magustuhan pa rin siya ng fans sa kabila niyon, ok lang. 

Pero nakikiusap daw siya sa fans na pinagsabihan niya ng totoo na huwag nang pag-usapan ang mga sikreto niya. Ewan lang namin kung totoo nga dahil sinasabi raw niyang kung siya ang bida, handa siyang ipakita ang lahat sa isang gay series pero may maipagmamalaki ba naman siya? 

Duda namin ay wala naman.

Kawawa rin naman siya, ambisyon naman talaga niya na maging artista at may hitsura naman siya, iyon nga lang kulang siya sa talent at basta nakaharap na rin siya nang personal halata rin naman ang kabadingan niya.

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …