REALITY BITES
ni Dominic Rea
MASASABI kong avid fan ako ng isang Gigi De Lana who’s currently making waves sa music industry.
Bilang mahusay na singer, hinahangaan na ngayon sa buong mundo ang husay niya sa pagkanta at mabenta sa mga out of town shows.
Kamakailan ay nakasama ko si Gigi sa isang out of town show at nakita ko ang pagiging down to earth gayundin ang 4 Gigi Vibes.
Sa aming kuwentuhan, mantakin mo bang inamin niya sa akin na umiyak pala siya noong sumabog ang balitang hiwalay na ang KathNiel.
“Tito Domsssss! Sobrang umiyak akooo! Ano ba talaga? Nakakalungkot naman..” aniya sa akin.
“Silent fan ako ng KathNiel Tito! Pero nakasubaybay ako. Naiyak ako. Hindi ko rin ine-expect! Love ko ang KathNiel,” makungkot pa nitong tsika sa akin habang kumakain.
Ayan! Pasabog ‘yan! Hindi ko rin ine-expect na si Gigi pala ay maka-KathNiel!