“PANAHON na para gawing iba ang ating taunang kaganapan.
Sa lalong madaling panahon, simula sa taong ito, makikilala tayo hindi lamang bilang mga indibidwal na mahilig sa baril kundi isang pinag-isang industriya para sa kapakanan ng mga atletang Pinoy.”
Ito ang ipinahayag ni Association of Firearms and Ammunition Dealers, Inc. (AFAD) president Aric Topacio sa ikalawang edisyon ng 29th Defense and Sporting Arms Show sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Inorganisa ng AFAD at nagsimula ng Huwebes (Dec. 7), tatagal ang pinakamatandang arms show sa bansa hanggang sa Dec. 11.
Bukas sa publiko ang arms show tampok ang mga nangungunang lokal at imported na baril, optika gamit pang-sports at accessories, na naglalayong palakasin ang gun sports at kaalinsabay nito ang responsableng pagmamay-ari ng baril.
“Nananatiling aktibo ang ating mga atleta sa kompetisyon at nakahanda ang AFAD) na tulungan sila na makakuha ng special permit kung kinakailangan,” ani Topacio, na nangakong tutulong ang kanilang grupo sa pag-navigate sa regulatory landscape.
Kabilang sa mga dumalo sa 29th Defense and Sporting Arms Show sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at mga top brass mula sa Philippine National Pollice (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang gun enthusiasts.