Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Coco Martin

Ruru ‘di makaabante kay Coco

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG December 4 lumabas ang NUTAM suvey ng AGB NIELSEN. Number one pa rin ang 24 Oras sa lahat ng show. Naging number two naman ang Batang Quiapo. Malayong number 3 ang Black Rider.

Iyong 24 Oras walang kalaban talaga iyon mas matindi ngayon ang GMA Integrated News na may mga estasyon sa lahat halos sulok ng PIlipinas. Hindi na iyan malalabanan ng mga nasa TV Patrol na ang mga tao ay demoralized pa dahil wala nga silang pangkisa. Sa mga coverage basta sinabing ABS-CBNang madalas na sabihin sa kanila ay, “hindi ba sarado na iyon?” 

Hindi naman sila makapagpakilalang taga-Sky Cable at lalo namang kung sabihin nilang sa Zoe TV sila. Kaya ang isinasagot nila “napapanood pa po kami sa internet.” 

“Ah ibig sabihin, blogger na kayo,” ang madalas namang sagot sa kanila.

Kung ganyang demoralisado ang tao mo sa news, ano ang aasahan mo? Iyon din namang Batang Quiapo hindi iyan kasing tindi ng FPJ’s Ang Probinsiyano Kasi lumalabas sa isang estasyong 150KW bukod pa sa napakaraming provincial stations. Eh iyong Batang Quiapo sa TV5 lang at sa Zoe TV. Walang provincial relay iyan at ang inaasahan lang nila ay iyong nag-aabang sa Sky Cable na bihira na rin ngayon. Maski kami pinaputol na namin eh hindi mo naman kasi mapanood nang matino laging may sira. Bayad ka naman ng bayad dahil mahuli ka lang ng isang araw sunod-sunod na tawag na ang ang gagawin sa telepono mo ng kanilang taga-singil pero basta may sira maghintay ka.

Noon nagagawa nila iyan dahil sobra ang power nila eh may ABS-CBN sila eh ngayon wala na. Ewan kung naniniwala pa ang mga investor nilang kikita pa sila eh ang balita hilahod na hilahod sila sa pagbabayad ng kanilang loans noon pa man. May tsismis pa nga baka magdeklara na ang ABS-CBN ng bankruptcy sa susunod na taon.

Kung mangyayari iyan hindi na makalilitaw sa Quiapo si Coco Martin baka maging Batang Moriones na lang siya o kaya ay Batang Velasquez. LIlipat na sila sa teritoryo ni Kagawad Jimi Escala.

Pero nabanggit na rin namin iyong Black Rider ni Ruru. Hindi pa rin iyon makaabante talaga kay Coco. Dapat naman kasi iyang si Ruru ihanap nila ng proyekong babagay sa kanya at saka itapat lang siya roon sa kaya niyang tapatan.

Isipin ninyo itatapat siya kay Coco. Noon ngang may kasama pa siyang buwaya hindi siya nanalo eh ngayon pang wala. 

Puwedeng ilaban iyang si Ruru kung ang makakatapat si Donny Pangilinan o si Seth Fedelin pero si Coco? Malabo siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link