Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola sexy

Jessy sa basher ng sexy pictorial — Stop mom/parent shaming, hindi ka naman inaagrabyado

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account noong Linggo, December 4, kanyang kaarawan, ipinost ni Jessy Mendiola ang kanyang sexy pictorial para sa ika-31 kaarawan niya.

Ang tanging caption niya, “31.”

Nagkomento ang asawa ni Jessy na si Luis Manzano. Sabi nito, “I love you, and WOW [heart emoji]”

Maraming celebrities ang pumuri sa kaseksihan ni Jessy at bumati na rin sa kanyang kaarawan. Kabilang rito sina Alexa Ilacad, Iya Villania, Carla Abellana, at Vina Morales.

Pero may isang netizen ang hindi nagustuhan ang post ni Jessy. Binash nito ang aktres. 

Komento  nito, “Dina bagay sayo ganyan may peanut kana.. Masagwa tingnan.”

Ang Peanut na tinutukoy ng netizen ay ang panganay na anak na babae nina Jessy at Luis na si Isabella Rose Tawille Manzano.

Pero binuweltahan ni Jessy ang netizen. Sabi niya rito, “so kapag may anak bawal na maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming. it’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado.”

Ibinahagi rin ni Jessy ang komento ng netizen sa kanyang Instagram Story.

Sabi niya sa caption, “Just wanted to shere this. Sana matigil na ang ganitong thinking dito sa atin. Asawa ko nga hindi na-offend eh. Ikaw pa kaya?

Us moms are allowed to be confident and happy in our own skin.Let us be. We can be comfortable with ourselvefs and be a mom, too.

“Isa lang ang role namin, ang pagiging nanay.

“Sana mas dun tayo sa wag kalumutan din ang sarili natin kahit nanay na.”

Nakita namin ang sexy picture ni Jessy na ipinost niya sa kanyang Instagram account. In fairness,  sexy pa rin siya kahit may anak na. 

At siguro, kaya ganoon pa rin ang kanyang katawan dahil inaalagaan niya ito. Sabi nga niya, huwag kalimutan ang sarili kahit nanay na. 

So ayun nga ang ginagawa niya, pinananatili niyang sexy pa rin siya, hindi niya hinahayaang tumaba siya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …