Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan Paskoy Nagbabalik

Christmas song ni Janah Zaplan na Pasko’y Nagbabalik, masarap pakinggan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASARAP pakinggan ang Christmas song ni Janah Zaplan na Pasko’y Nagbabalik, na out na sa lahat ng digital platforms. Ang nasabing single ng tinaguriang Millennial Pop Princess ay mula sa StarPop.

Sa ginanap na launching ng single ni Janah sa Academy of Rock, present ang always supportive parents niya na sina Sir Boyet at monnmy Dencie. Nandoon din ang head ng StarPop na si Rox Santos at Creative Director na si Jonathan Manalo, na siyang sumulat ng Pasko’y Nagbabalik. Present din sa okasyon si Ms. Abbey Aledo, ang ABS-CBN Music Management Group Head.

Bago ang Pasko’y Nagbabalik, nakagawa ng three songs si Janah sa StarPop. Ang mga ito ay ang Eh Ano Ngayon?, Maiba Naman, at Dancing On My Own.

Sa nasabing launching, nagpasalamat si Janah sa mga nasa likod ng kanyang mga awitin.

Anang magandang recording artist, “Actually, it is really a privilege po for me to work with amazing people, not just sir Jonathan Manalo but also Sir Rox and other writers po behind my song. I really thanked them dahil sila rin naman talaga ang utak ng kantang iyon.

“So, I am just so grateful na I am part of this family, I am able to work with this talented and creative people na wala po akong masabi dahil ang dedication, iyong passion po nila when it comes to their craft is so high.

“Wala po talaga akong masabi… I’m honored, I’m grateful, I’m blessed,” nakangiting pahayag pa niya.

Natanong din siya sa maituturing niyang most memorable Christmas na gusto niya muling gunitain.

Pahayag ni Janah,”Lahat naman po memorable sa akin, kasi I always celebrate Christmas with the entire family. But the most memorable po ay noong last year, kasi we were able to celebrate it with my sister, na hindi ko nakikita ng four years.  Gaya po noon, gusto ko talagang kompleto kami, nasanay na kaming lumaki na buo ang pamilya na nagce-celebrate ng Christmas.

“Looking forward po next year, kung papalarin po kaming bisitahin naman ang isa ko pang sister na nasa Canada. Ganoon na rin po iyong nasa Dubai.”

Inusisa rin si Janah na kung papipiliin, ano ang mas gusto niya, maging singer o piloto?

Bulalas niya, “Hala, ang hirap! Pero parang tinitingnan ko na lang siya kung ano po ang nasa harap ko ngayon. Iyon iyong ipi-prioritize ko. And since right now, I’m in a music side, rito po muna ako magpo-focus.

“Then probably next year, kapag naging pilot na po ako, I’ll focus on that first. And then pasalit-salit na lang po siguro kung ano iyong kaya,”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …