Sunday , December 22 2024
TVJ Eat Bulaga TV5

Respeto hiling ng TVJ, Eat Bulaga! magagamit na   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Alam ko legally na nasa tama kami, kaya expected (mananalo) ko ‘yan, hindi ko

lang alam kung kailan.” Ito ang tinuran ni Sen Tito Sotto kahapon ng tanghali ukol sa kung inaasahan na nilang pagpabor sa kanila ang desisyon ng Intellectual Property Rights (IPO) laban sa kung sino ang may karapatan na magamit ang EB/Eat Bulaga titles.

Kasabay nito ang panawagan ng TVJ na respetuhin sana ang naging desisyon ng gobyerno na sila talaga ang may-ari at may karapatan sa titulo ng Eat Bulaga.   

Pero bago ang lahat, nagpapasalamat at masayang-masaya sina Tito Sen, Vic Sotto, at Joey de Leongayundin ang buong Dabarkads sa desisyon ng IPO sa pagkansela ng trademark registration sa Television and Production Exponents, Inc. (TAPE). Kaya naman pwedeng-pwede nang magamit ng TVJ ang Eat Bulaga!.

Sa isinagawang media conference kahapon ng tanghali natanong ang TVJ kung kailan nila uumpisahang gamitin ang titulong Eat Bulaga sa kanilang show ngayong napatunayang sila talaga ang may-ari nito.

Pag-uusapan namin at pagpaplanuhan namin kung kailan namin gagamitin. Sa theme song walang problema,” ani Tito Sen.

“Kung kailan gagamitin? Anytime puwede nilang gamitin,”  sambit ni Atty Enrique “Buko” Dela Cruz.

Ang advise nga namin ay noon pa na pwede naman nilang gamitin dahil sila ang may likha at ‘yung registration naman ng kabila ay merchandise lang hindi TV show. Hindi sa entertainment. So pwede nilang gamitin talaga. Sila ang nag-decide na huwag gamitin dahil nirespeto nila ‘yung batas. 

“Nirespeto nila ‘yung registration na ginawa ng TAPE. Bagamat sa opinion namin, mali ‘yun. Hindi tamang niregister nila. Nirespeto nila (TVJ) ‘yung proseso.

“Sabi ng TVJ, sige tayo ang mag-adjust. Kaya hindi nila ginamit ‘yung title. Ngayon lumabas ‘yung decision. Nagsasabi na ang creator, ang may gawa, ang may likha, at may karapatan, TVJ.  Sana inaasahan naman namin na respetuhin naman nila ‘yung decision.

“Habang nag-aapela sila, huwag ng gamitin bilang respeto dahil inirespeto ng TVJ ‘yung batas, ‘yung proseso. We can only expect that we can do the same.”

“Sa kabila, malaki ang problema nila sa theme song kasi hindi nila makanta eh. May Tito, Vic and Joey (sa lyrics),” susog naman ni Joey ukol sa themesong ng noontime show.

“Siguro kapag tumigil na ‘yung may gumagamit na iba, nagpakita ng respeto, ‘yun na siguro ang tamang panahon,” giit ni Vic.

Natanong din ang TVJ kung sa palagay nila ay vindicated sila matapos nilang magwagi.

We feel vindicated at masayang-masaya kami dahil luminaw ang usapan,” ani Tito pero iginiit na tila hindi tama ang salitang vindicated kundi “officially recognized.

“Vindicated? Sabi ko hindi eh. Mababait na kami eh. Almost 50 years na kami sa noontime at wala na ‘yung paghihiganti sa puso mo. Nangingiti ka na lang. Katulad nito na biyaya na lang. Ay salamat! Ganoon na lang ang reaksiyon namin. Para sa mga tagahanga at followers namin,” esplika naman ni Joey.

“Parang napakabigat na salita niyon (vindicated). Basta masaya kami. Nagsimula ito noong pinatitigil kami dahil kung ano man ang rason nila. Sa madaling salita pinaaalis kami sa mga programang minahal namin ng apat na dekada, sa TV show na aming pinaghirapan, cre-neate (binuo). Dugo at pawis. Tapos bigla ka na lang sasabihan na ‘out na kayo.’ Masakit! Itong mga development na ito, nag-i-inspire sa amin na ituloy. Laban lang!,” susog ni Vic.

Samantala, naikonsidera naman ng TVJ at Dabarkads na early Christmas gift ang pagpabor ng IPO sa kanila.

Definitely it’s a Christmas gift. We’re so happy about it being officially recognized by the government, not just by the people, [but] by law, official recognized ng batas. So, talagang early Christmas gift,” ani Tito Sen.

Sa huli matapos pasalamatan ng TVJ ang entertainment press, TV5, Cignal,  Mediaquest, at ang kanilang mga abagado at lahat ng naniwala at sumama sa laban nila,  sinabi ni Vic na, “Bali, baliktarin man ang munto, ito ang Eat Bulaga! Unang araw pa lang namin dito sa TV, sinabi na namin na ang title namin ay ang tile na alam n’yong tawag sa amin.” 

Ang ibinabang desisyon ng IPO ay nagbigaw-linaw sa kasaysayan ng ‘Eat Bulaga’ at ng katotohanan,” ani Tito Sen. 

HIndi lang ito basta title. Kakambal nito ang mga mukha at napakaraming kuwento na nagbigay buhay sa pangalang ito,” turing naman ni Joey. 

Iginiit din nilang hindi sila bumitaw dahil E. A.T.—Eto Ang Tototo! 

Alam naming ang ating pagsasama ay higit pa sa pangalan o titulo ng programa. Pero ang development na ito ay panibagong inspirasyon para patuloy pang magbigay ng isang libo’t isang tuwa. Laban! Laban lang! Go for Gold!

Ang pagkilalang ito ng batas ay tagumpay natin, Dabarkads! Maraming salamat sa Poong May Kapal na nagpahintulot nito. 

Sa ating lahat na legit Dabarkads, Merry Christmas sa atin!” 

Pagkatapos nito’y kinanta na nila ng buo ang themesong nilang E.A.T. Bulaga! na sila lang talaga ang may karapatan. At masasabi naming iba talaga ang TVJ!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …