Sunday , December 22 2024
Jeri Violago Vehnee Saturno

Newbie singer na si Jeri, available na ang debut single na Gusto Kita 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPAKINGGAN na ngayon ang debut single ng guwaping na newbie singer na si Jeri, titled Gusto Kita. Ito ay available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.

Ang Gusto Kita na isinulat at ipinrodyus ni Vehnee Saturno ang napili ng Tarsier Records na maging debut single ni Jeri dahil naniniwala silang maraming makaka-relate na kabataan dito.

Bukod sa mahusay na singer at guwapito, ang 23 year old na si Jeri ay nagtapos ng Cum Laude sa Ateneo de Manila University.

Present sa launching ng naturang single ang mga mahuhusay na musicians na sina Jonathan Manalo at Saturno. Sunuporta rin dito ang pamilya ni Jeri.

Ang Gusto Kita ay isang simple, pero catchy na love song na tamang timpla lang para sa panlasa ni Jeri.

Aniya, “I want it chill and cool. I want listeners to feel the vibe. I want to transport them to that special moment in their life when they were falling in love.”

Ang music video nito ay nasa YouTube na at tampok din dito ang It’s Showtime regular host na si Jackie Gonzaga.

Nabanggit ni Jeri kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang unang single.

Kuwento niya, “Nang ibinigay po sa akin ang song na Gusto Kita, what really resonates ay iyong message talaga ng song. Kung ano ang sinasabi ng mga lyrics nito, and what it said was, parang story ng isang tao na gusto lang naman niyang sabihin na gusto kita.

“Ako kasi, noong bata ako, ever since high school or college, ako talaga iyong kind of person na umaamin. Ayaw ko kasi iyong may regrets, ayaw ko iyong what if… iyong mga ganoon. So nang napakinggan ko iyong Gusto Kita, sabi ko, ‘Wow, parang close to the heart ko ito.’ So, that’s what I really liked about the song.”

Ang nasabing kanta ay madalas napapakinggan ngayon sa radyo, mostly sa WishFM 107.5, Energy 106.7, Star FM, at sa WinFM 91.5. Ito ay naririnig din sa radio stations across Visayas at Mindanao.

“I want to reach out to a lot of people as much as possible. I want them to know who I am and what I have to offer,” sambit pa ni Jeri.

Nabanggit din niya kung paano na-discover ng kanyang pamilya na may boses pala siya at swak para maging singer/recording artist.

“Noong narinig nilang kumanta ako, nagulat nga po ang family ko kasi hindi nila alam na mayroon pala akong boses. I said basta maka-graduate ako, ipu-pursue ko itong music career ko,” wika pa niya.

Tinanggihan din ni Jeri ang alok ng kanyang ama para pangasiwaan ang   family-owned rice mill business nila sa San Jose, Nueva Ecija, dahil gusto niyang tutukan talaga ang kanyang singing career.

Catchy ang Gusto Kita at siguradong marami ang mae-LSS (last song syndrome) kapag napakinggan nila ito.

Ayon pa Kay Jeri, ito ang simula ng kanyang pangarap bilang singer.

Aniya, “I feel like this is the first step towards achieving my dream and I’m so happy and excited.”

“I love Original Pilipino Music and I dream that one day, I would be given the chance to collaborate with our hitmakers today like Ben&Ben at si Zack Tabudlo.”

Kompiyansa naman si Vehnee sa kakayahan ng binata, “Jeri has all the good qualities to make him a top singing heartthrob. He’s got a good voice, he’s well bred, he’s good looking and very talented and he has great appeal to the fans.”

Nagpasalamat si Jeri sa kanyang Star Music family, sa composer na si Vehnee, sa kanyang manager na si Emy Domingo, sa press at sa lahat ng tumulong sa launching ng album niya, lalo na sa kanyang very supportive parents and siblings, especially sa mommy niyang si Ms. Catherine Olive Gomez Violago.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …