COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAGULAT ang Cineko Productions nang tinanggap ni Alden Richards ang Family of Two na pagbibidahan nila ni Sharon Cuneta.
Sa sobrang busy kasi ni Alden ay imposibleng tanggapin niya ito. Pero nagawan ng paraan ni Alden ang schedules niya para magawa niya ang Family of Two. Dagdag pa na matagal na niyang pinapangarap na makasama ang isang big star sa mga proyekto niya, si Sharon.
Ang writer na si Mel del Rosario ay aminadong hindi niya type si Alden hanggang maranasan niya ang pagiging mabait at humble nito sa kalagitnaan ng shooting ng pelikula. Maski ang ating Megastar ay full of praises sa ugali ni Alden at wish niya na maging son in law si Alden. She consider Alden one of her son.
Sa kalagitnaan ng preskon ay ibinahagi ni Alden ang pagmamahal ng isang ina at alam naman natin maagang nawala ito at kulang ang ipinakita niyang pagmamahal kaya sinabi niya sa mga ibang buhay pa ang ina na ipakita o iparamdam ang pagmamahal sa mga ito.
Napakasaya ng preskon at sa bonggang pa raffle ng producer, nag-enjoy ang lahat.