Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bo Bautista

Bo Bautista ‘di priority ang magpaligaw: gusto ko munang mag-travel by myself

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKAGANDA, napakagarbo, napakaraming ilaw, bulaklak, pagkain, bisita ang naganap na 18th birthday ng anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, si Bo Bautista o Bodhana Yoomee Tejedor na ginanap sa Luzon Ballroom ng Sofitel Philippine Plaza Manila noong November 30.

Sa imbitasyon palang na pinaghalo-halong kulay na blue, lavander, white, gold ay humanga na kami lalo pa nang makita namin si Bo na napaka-elegante ng gown na bagay na bagay sa kanya. Pinaghalong blue, lavander ang gown nito na bagay na bagay sa kanya.

Mababanaag din ang sobrang kasiyahan ni Bo lalo’t present ang kanyang mga magulang gayundin ang pamilya nito na nagsama-sama para mapasaya siya sa isa sa napakahalagang okasyon ng kanyang buhay. 

At dahil birthday ni Bo, natanong ito sa kanyang birthday wish. “Sana po, masaya ang lahat ng taong minamahal ko and sana, tumangkad pa ‘ko,” natatawang tinuran ng dalaga.

Nasabi rin ni Bo na puwede siyang ligawan, pero, “Pwede naman po kaso hindi naman ‘yun priority sa akin ngayon.” 

Basta ang gusto muna niya ay, “Makapag-travel by myself. Like, kahit Hong Kong lang.”

Si Romnick ang first dance ni Bo sa kanyang 18th roses at ramdam namin sobrang closeness ng dalaga sa kanyang daddy. Naikuwento kasi ni Bo bago ang 18th roses na mas close at nakapag-o-open siya sa kanyang ama.  

 Isinayaw din siya ng boyfriend ng kanyang mama  Harlene na si Federico Moreno. Kasama naman sa 18th gift ang partner ni Romnick na si Barbara.

Ayon kay Harlene walang problema sa kanila ni Romnick na magsama sa isang okasyon kung para sa kasiyahan ng anak. 

Sinabi naman ni Romnick na civil sila ni Harlene at nag-uusap lalo na kung para sa kanilang mga anak. 

Karamihan ng mga dumalo sa 18th birthday ni Bo ay ang kanyang mga kasamahan sa Star Center gayundin ang kaibigang artista na sina Jillian Ward Joaquin Domagoso, at AC Bonifacio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …