SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAPAKASUWERTE ni Alden Richards dahil isa siya sa naging dahilan kung bakit agad tinanggap ni Sharon Cuneta ang pelikulang Family of Two, Metro Manila Film Festival 2023 entry ng Cineko Productions.
Sa isinagawang grand media conference ng Family of Two sa Novotel noong Linggo ng gabi, inamin ni Sharon na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula kahit wala pa ang script nang malamang si Alden ang gaganap na anak niya..
“Walang kaduda-duda, noong sinabing Alden Richards ‘yung kasama ko, right away, kahit walang pang script, ‘Ay, Alden Richards? Go, go, go!’” tsika ni Sharon.
“I miss doing this type of movie na parang ito ‘yung isa sa pinaka-wholesome at funny at heartwarming na movies na nagawa ko na hindi sobrang, ‘O kailangan mabigat ‘yung drama para mapaiyak ‘yung audience.’ Hindi siya ganoon,” esplika pa ni Shawie.
Sa totoo lang, proud sina Alden at Sharon sa kanilang MMFF 2023 entry dahil naniniwala sila na napakaganda ng pagkakagawa nito lalo’t ito ay idinirehe ni Nuel Naval at isinulat ni Mel del Rosario.
Sinabi ni Alden na, “Ito ‘yung panahon, especially Pasko, at ang Pasko ay para sa pamilya, especially pagdating sa mga Flipino, hindi lang Filipino maging ibang tao sa mundo.
“This film is so light and feel good, heartfelt,” sabi pa ng aktor.
Subok naman na talaga ang tambalang Nuel at Mel na siya ring nasa likod ng matagumpay na Family Matters na nag-uwi ng limang tropeo sa katatapos na 6th The Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Bilang writer at direktor unang nagkatrabaho sina Mel at Direk Nuel sa Maalaala Mo Kaya.
Pagbabahagi ni Mel, “It was in 2009 that we had a chance to work together in ‘MMK.’ Nuel was supposed to direct an episode the following day, but he wasn’t comfortable doing it kasi he was not happy with some parts of the script. The episode writer could not do the revision as he was out of town. As creative manager, I was compelled to do the revisions overnight para lang pumayag siya to shoot next day.
“Tumaas ang respeto ko sa kanya, kasi may ibang directors na makapag-taping lang would take liberties with the script. Si Nuel never mo mapupuwersa mag-shoot ‘pag ‘di confident sa script. Nuel would graciously offer na kahit ‘di muna siya sumweldo basta hihintayin niyang maayos ang script. After this sobrang na-appreciate ko siya as a professional. Years later, I felt he was ripe for film. That’s when I recommended him for ‘A Secret Affair’ (2012).”
Naging matagumpay ang una nilang pagsasama kaya nasundan pa ito ng maraming pelikula, tulad ng This Time (2016), Miracle in Cell No. 7 (2019), More Than Blue (2021), Family Matters (2022), atAdik sa ‘Yo (2023).
“We are good friends to begin with. We share the same family values and work ethic that’s why we get along so well. Basang-basa na namin ang isa’t isa. She need not describe a scene in detail for me to get what she wants to say. I guess alam na rin niya how I will interpret her written work. I think it’s also trust and respect we share with one another that makes our tandem click,” pagbabahagi naman ni direk Nuel ukol sa kanilang pagtatrabaho.
“We nurture each other’s creativity. Madali kaming nagkakaintindihan sa personal na buhay at trabaho. Malimit kami magkuwentuhan tungkol sa pamilya namin, minsan magkakaiyakan pa tapos sasabihin namin – ‘Gawin natin ‘yan sa movie!” sabi pa ni Mel.
“Kahit sa mga teleseryes, core competence ko ang family stories. Siguro kasi lumaki ako sa masayang pamilya. Sobrang appreciated ko sa mga magulang ko, kapatid, extended family like uncles, aunts, and cousins. Tapos ang Kuya ko may parenting education advocacy. Marami akong natututunan sa kanya. Naging napaka-mapagmahal ng pamilya ko, kaya siguro lumaki akong masayahin – bitbit ko ‘yung pagpapahalaga sa pamilya sa mga kuwentong isinusulat ko,” sabi pa ni Mel.
“Doing family-related films is an advocacy for me. It is also a tribute of sorts to my parents–to be able to share the family values they have inculcated in me. I grew up in a close-knit, religious and very traditional Filipino family. And this is reflected in my works as a director. For me, these family values will never go out of fashion, and must be shared with our audience. It’s basic at hindi dapat mawala sa consciousness ng mga Pinoy. Love begins at home,” giit pa ni direk Nuel.
Sa Family of Two (A Mother and Son Story), Si Maricar si Sharon, isang selfless mother na ang gusto lang ay ang mapabuti ang anak. Umiikot lang ang kanyang buhay sa kanyang anak na si Matt, si Alden na isang mapagmahal na anak at tiyak na gugustuhin maging manugang.
Mapapanood na ang Family of Two simula December 25 at isa sa sampung pelikulang kasali sa MMFF 2023.