Monday , December 23 2024
Piolo Pascual Mallari

Piolo sa napakalaking produksiyon ng Mallari: pwedeng ipagmalaki sa international scene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NALULA kami sa laki ng promosyong ginagawa ng producer ng Mallari, ang Mentorque Productions ni Mr. Bryan Dy. Talaga namang kapuri-puri na hindi lang ang pelikula ang ginalingan nilang gawin na kitang-kita sa napakaganda nilang trailer maging kung paano makararating ang magandang balita ukol sa kanilang pelikula na isa sa sampung entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Noong Biyernes, December 1 nagkaroon ng pinakamalaking media conference na dinaluhan ng mahigit sa 100 media entities na isinagawa sa Cinema 5 ng SM MOA, Fancon sa activity center, giant billboard all over Asia, at mall shows. 

Sa naganap na fancon sa MOA Activity Center, mayroong interactive boots, games na nakiisa ang mga bida ng Mallari sa pangunguna ni Piolo Pascual. Nag-perform din ang cast at mayroon ding Mallari Gallery na nakalagay ang mga costume na ginamit sa SM Mall Music Hall.

At ang talagang nakakuha ng aking atensiyon ay ang SM MOA Globe na inilawan at nakasulat ang Mallari. Ang galing! Wow na wow!   

Sa trailer ay kitang-kita rin na ginastusan ng bongga ang pelikula at hindi tinipid. Kaya nga ang sabi ni Piolo, talagang napakalaki ng produksiyon ng Mallari na pwedeng ipagmalaki sa international scene.

Kaya naman hindi kataka-taka na kinuha ng Warner Bros. Pictures ang Mallari para maging official distributor dito sa Pilipinas at maging sa iba pang panig ng mundo.

Samantala, naibahagi ni Enrico Santos, creator at writer ng Mallari, na nagsimula sa joke o pusta ang pagsasapelikula ng buhay ng serial killer na si Fr. Juan Severino Mallari.

Ani Enrico, “Mayabang kami ni Direk, Nagyayabangan kami brainstorming. ‘Pag may sinabi siya isa, dadagdagan niya. ‘Pag may sinabi ako dadagdagan ko.

“So, ginawa namin isa, sabi ko direk ayokong isa gawin natin dalawa para may present day. Hindi gawin mo tatlo sabi niya, nagsimula siya as a pusta.

“Impossible kasi 1812 tapos 2023. ‘Yung mga Gen Z, hindi makare-relate. Wala akong mahugot papunta 2023. Siyempre MMFF 2023, mga bata, so kailangan mo maitawid ng kaunti.

“Tapos 1812, 1946, bago mag-2023. Para madala mga tao, ah naimbento na ang camera, TV, cellphone, kasi gamit y’un sa pelikula. So we had to create some supernatural manner para makita ng audience ang 1812,” pagbabahagi ni Enrico. 

Ipakikita sa pelikula, dagdag ni Enrico, ang “evolution of fear” ng mga Pinoy.

“Kasi tina-try namin gawing social commentary on what is fear sa mga tao, noong 1812, ang fear ng tao demonyo, maligno, kasalanan, haciendero masungit o pumapatay.

“Ano ang fear ng 1946-1948, CIA, nag-imbento ng aswang sa probinsiya. Tapos 2023, ano nakatatakot? Kapwa tao na ‘di ba? Hindi na multo. It is a really good exploration of fear through the centuries and I hope makita niyo when you watch the movie.

“Hindi takutan pero latag ng kultura natin. Bakit laging tinatakot ang Filipino ng Kastila, Amerikano, at ngayon tayo,” sambit pa ni Enrico.

Bukod kay Piolo kasama rin sa pelikula sina Janella Salvador, Gloria Diaz, JC Santos, Ron Angeles at idinirehe ni  Derick Cabrido. Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan nationwide.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …