Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mallari Piolo Pascual

Piolo ibinaon sa lupa aminadong nahirapan sa Mallari 

ni Allan Sancon

HINDI pa man ipinalalabas ang pelikula ni Piolo Pascual na Mallari ay pinag-uusapan na ito dahil sa ganda ng trailer. 

Bahagi ito ng Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula nang ipalabas sa December 25. 

Makakasama ni Piolo Pascual sina Janella Salvador, JC Santos, Gloria Diaz, Ron Angeles, Tommy Alejandrino at marami pang iba.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Janella  at Piolo.

Sinabi ni Janella na ayaw na niya muna sana gumawa ng proyektong may temang horror dahil ayaw niya ma type-cast sa mga horror genre, pero nang ini-offer sa kanya ang role na ito bilang asawa ni Piolo ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin dahil bukod sa maganda ang istorya ng pelikula ay pangarap niyang makasama si Papa P sa isang pelikula.

Ikinuwento ni Piolo na isa ang pelikulang ito sa pinaka-challenging na role na ginampanan niya dahil bukod sa ibinaon siya sa lupa ay tatlong karakter ang kanyang ginampanan. 

Ang Mallari  ay istorya ng isang Katolikong pari na pumapatay sa ngalan daw ng pag-ibig sa kanyang ina. 

Maging si Gloria Diaz ay hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula dahil nga   gagampanan niya ang role bilang ina ni Piolo.

Bukod sa ipalalabas ngayong MMFF 2023 ay napili rin Warner Bros.Picture ang   Mallari na ipalabas internationally. This is produced by Mentorque Productions directed by Derrick Cabrido.

Tangkilin ang 10 kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023, unahin  ang pelikulang  Mallari na  ipalalabas in cinemas nationwide sa December 25, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …