Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Mark Anthony Fernandez 

Mark Anthony may tampo kay Jomari

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ILAN taon din palang hindi nagkakausap sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana. Nagtampo raw si Mark kay Jomari pero hindi niya sinabi ang dahilan at malalim ito. Hindi politics ang ugat ng away nila at never naman na nagkasama sila sa isang partido. 

Pero okay na sila ni Jomari after mag-reach out sa kanya ito. Kaya puwede na silang magsama muli sa isang project. Si Mark ay nakausap namin sa mediacon ng Viva produce, ang Para Kang Papa Mo

Natutuwa si Mark sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Viva at sa poster ng movie na ito ay mukha lang niya ang nakabalandra roon. Kaya wish niya na magtuloy-tuloy ang maganda niyang career.

Sa movie na Para Kang Papa Mo ay kasama niya si Ruby Ruiz na sobra ang paghanga at pagkilala sa magandang achievement lately bukod sa isang Hollywood movie na kasama niya si Nicole Kidman. Pero sa achievment ni Ruby ay hindi siya nagbago ng pag-uugali at nakatapak pa rin sa lupa ang paa niya. 

Sa pagkakaintindi ko ay isa siya sa resource person sa mga acting workshops. Hindi na ako magtataka na gaya ni Dolly de Leon ay sisikat din siya sa Hollywood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …