HATAWAN
ni Ed de Leon
KAWAWA naman ang bayaning si Andres Bonifacio. Kung iisipin mo minsan lang sa isang taon kung ipagdiwang ngayon gusto pa nilang palitan ng petsa dahil iyon daw November 30 at gagawin nang KathNiel day.
Aba huwag kayong magbibiro ng ganyan baka nga magkatotoo. Isipin ninyo ilang dekada na ngang ang kalye rito sa amin ay ipinangalan kay US President Franklin Delano Roosevelt, ipinangalan naman sa kanya ang kalye dahil noong kapanahunan niya bilang president ng US at saka nabigyan ng kalayaan ang Pilipinas noong July 4 1946.
Aba eh, naisip ba ninyo noong araw na maiisip ng isang senador na palitan iyan ng Fernando Poe Jr. Avenue?
Kung iyon nagawa nila eh hindi malayong mangyari na iyang Bonifacio day mapalitan nga ng Araw ng KathNiel. Alam naman ninyo ang takbo ng utak ng ilang senador natin nakatatawa rin.