Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Rhian Ramos

Paolo in-demand kahit kabi-kabila ang bashing 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI man tipikal na matinee idol, nagpapasalamat si Paolo Contis na dagsa ang proyekto niya, mapa-pelikula o telebisyon. At kung kailan kabi-kabila ang natatanggap niyang bashing marami rin siyang offers.

Kaya naman thankful si Paolo na marami siyang projects at hindi na kailangan ng ka-loveteam para makagawa ng isang magandang proyekto. Kumbaga eh, pwede siya na may ka-loveteam o wala.

Tulad ngayon sa bagong handog ng Viva Films, ang Ikaw at Ako na kasama si Rhian Ramos, na ipalalabas sa mga sinehan simula Miyerkoles, December 6.

Ani Paolo, malayo talaga siya sa tipikal na leading man kaya masaya siya na nabibigyan siya ng project.

Pero sa totoo lang mahusay na aktor si Paolo kaya nang matanong ito kung epektibo ba siyang leading man sa romantic films, ito ang sinabi niya, “Siguro because of what we’ve accomplished sa ‘Through Night and Day’ (na ipinalabas noong 2018) at iyong ‘A Far Away Land’ (noong 2021). Nagkaroon ng kaunting opening na, ‘Uy, pwede palang maging leading man ang mukhang gago, ‘no?’

Kasi, I’m not your typical pa-cute na leading man, na may kailangang i-maintain na magandang imahe. ‘Kailangan natin ng masamang leading man. Paolo.’ You will never see me, at least, sa mga totoong rom-com na talagang pa-cutie-cutie. ‘Yun talaga, alam ko na hindi ako talaga kukunin,” nangingiting sabi ni Paolo sa isinagawang mediacon noong Martes ng hapon.

“So, I’m very thankful na more or less ‘yung stories natin sa Philippine cinema ay mas malawak na, mas open na ang mga tao na ‘di kailangan magka-love team para makagawa kayo ng pelikula together.

“All the film that I’m doing now iba-iba naman talaga ‘yung partner. Ganoon din naman ‘yung ibang mga pelikula. Dahil dito, nagkaroon kami ng opening, not just me, ‘di ba? Sina Jerald Napoles, Pepe Herrera. Now naging oras namin siya na, uy, minsan okay din pala maging leading man ‘yung hindi masyadong ano (gwapo) basta okay ang pag-arte.

“It’s chemistry, kumbaga. Madali kaming maano sa chemistry kasi, you know, we do our best para magkaroon ng chemistry. So, I think, suwerte ako roon.”

Tatlong klase ng pag-ibig ang tampok sa

pelikula mula sa magkakaibang henerasyon. Pare-parehas na nangangako ng pagmamahal na wagas, pangakong habambuhay.

Kasama nina Paolo at Rhian sina Ronaldo Valdez at Boots Anson-Roa para sa isang pelikula na ipakikita kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa bawat isa, at ano ang mga kailangan mong pagdaanan para rito. Kasama rin sa pelikula ang young at promising talents nina Fatima Mislangat James Ezekiel Ignacio.

Produced by Viva Films at mula sa direksiyon ni Rechie Del Carmen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …