Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo parang isang buong flower shop ang ipinadala sa CEO ng Beautederm

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Bea Alonzo na unexpected ang pagkakabati nila ni Manay Lolit Solis sa birthday celebration ng Beautederm owner na si Rhea Aninoche-Tan kamakailan.

Lahad ni Bea, “Hindi ko pa siya napa-process kasi kanina lang nangyari, tapos nandoon kayong lahat kanina.

“Kung magiging totoo ako, pinoproseso ko siya.

“Pero siyempre, sino ba naman ako? Tao lang din naman ako. 

“Sino hindi mag-a-accept ng apology? Natural, lalo na I know na medyo ano rin ang health niya. Siyempre lahat, or tayo tatanda.

“So, sa akin, it means a lot na may accountability, nag-apologize siya.

“Pero sa totoo, ang hirap kasing magsalita kasi kanina lang. 

“Hindi ko pa siya napo-proseso kasi, ‘Wow, ang daming camera.’

“At saka unang beses ko pa lang siya nakilala sa personal. 

“Never ko siyang na-meet sa personal.”

Agree si Bea na maliit lang ang mundo, lalo na ang industriya ng showbiz, kaya nangyayari talaga na ang dati mong kaalitan ay makakabati mo.

Oo naman, oo naman, totoo,” pakli ni Bea.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“At saka ano, I never said anything. Hindi naman ako ‘yung may ibinabato, so ano ba ‘yan, baka magkamali pa ako.”

Samantala, sa bonggang birthday party ni Ms. Rei ay dumagsa ang mga Beautederm babies niya tulad nina Sanya Lopez (na mapapanood na sa Pulang Araw sa 2024 sa GMA with Alden Richards, David Licauco and Barbie Forteza); Rayver Cruz, Maja Salvador, ang Vice-Governor ng Bulacan (na acting OIC Governor ngayon) na si Alex Castro, ang misis nitong dating SexBomb member na si Sunshine Garcia, Ysabel Ortega, ang mahal namin na napakaguwapong konsehal ng unang distrito ng San Juan na si Ervic Vijandre (na soon-to-be mayor ng San Juan?), Sparkle teen Josh FordKakai Bautista, Kitkat, Ynez Veneracion, ang Beautéderm couple na kaibigan naming sina Jimwell Steves and wife Rochelle BarramedaEnchong Dee, Thou Reyes, Luke Mejares, Maricel Morales, at ang mahusay na aktres na si Glydel Mercado (na kasama sa cast ng Unspoken Letters ni Jhassy Busran na mapapanood sa mga sinehan sa Decmeber 13).

Si Piolo Pascual ay hindi nakarating sa party (hosted by DJ Jhai Ho and DJ Chacha) pero parang isang buong flower shop ang ipinadala para sa may kaarawan.

Hindi namin natanong si Ms. Rei kung bakit hindi nakarating ang iba pa niyang babies tulad nina Sylvia Sanchez, Andrea Brillantes (although may mahabang video message para sa birthday celebrator si Andrea) at ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Happy kami na bukod sa pagbabati nina Bea at Manay Lolit ay nagkita na rin sa wakas sina Konsehal Ervic at ang entertainment editor ng Hataw tabloid na si kumareng Maricris Valdez na noon pa magkatsika pero never pa nag-meet. (Ha ha ha oo nga… salamat)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …