Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Lorna Tolentino

Lito Lapid matikas pa rin, ‘di nagpapa-double sa mga buwis-buhay na action scenes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAKITA ng isang video clip si Sen Lito Lapid sa entertainment press bago simulan ang tsikahan sa taunang Thanksgiving and Christmas lunch na isinagawa sa Max’s Roces. Sa video clip ay ipinakita ang ilang buwis-buhay na mga eksena ng senador sa Batang Quiapo.

Ipinakita rin ang halikan nila ni Lorna Tolentino kaya naman ito agad ang inurirat ng press.

Natawa si Sen. Lito at sumagot ng, “‘Yung kissing scene ng senior citizens? Ha-hahahaha! Okay lang. Kasi ipinaalam naman sa akin ni Coco (Martin) na magkakaroon kami ng kissing scene ni Lorna.

“Alam n’yo naman ang karakter ni Lorna, simpleng-simple at saka walang mga tsismis, kahit ano. Malinis ang pangalan niya.

“At saka single naman siya, ‘di ba? Walang problema. Eh, sabi ni Coco, ‘May kiliti iyan. At least ‘yung mga sing-edad n’yo, may love story pa raw,’ sabi niya.

“Eh, buti naman at kinagat naman. Kaya ang tawag sa amin ngayon, PriManda. Kasi Primo at Amanda,” natatawa pang pagbabahagi ng action star.

Ukol naman sa kung pinaghandaan ba ng senador ang kissing scene nila ni LT, sinabi nitong, “Hindi, pareho namang ayaw namin kasi baka ma-bash kami, dahil parehong senior citizen naghahalikan pa! Eh, hindi naman, parang nagustuhan naman ng mga tao, tinanggap naman.

“Sabi ko nga kay Coco, ‘wag na, baka sabihin ng tao senior citizen na kami naghahalikan pa. Kasi sa mga pelikula ko noong araw, hindi ako nakikipag-kissing scene puro action lang ako,” paliwanag pa ng senador.

Nangingiti pang tinuran ni Sen Lito na sila ang young version nina Coco Martin at Ivana Alawi sa Batang Quiapo.

Oo parang ganoon. ‘Yun naman ang sinasabi ni Coco. Sabi ko ‘baka wala na kami rito, baka ma-bash-bash kami.’ sabi niya, ‘hindi.’ Kamukha nga kay Angel Aquino, roon sa ‘Probinsyano,’ may kiliti rin ‘yon.”

At dahil nagkatuluyan sina Christopher de Leon at Lovi Poe sa Batang Quiapo,  naitanong sa senador kung gusto rin ba niyang magkaroon ng batang leading lady?

Depende siguro sa istorya ‘yan. Kasi, kamukha namin ni Lorna, nagsimula ‘yung pag-iibigan namin ni Amanda, bata pa kami.

“‘Yung kay Lovi naman, ang istorya nila, si Tanggol at saka si Christopher, mag-ama, para pag-agawan ang isang babae. Roon ang interes ng istorya. Depende sa istorya siguro. Gusto ko rin ‘yan… bata, eh!”nangingiting sabi pa ni Sen Lito.

Samantala, wala pa ring kupas sa pag-aaksiyon si Sen. Lito. Sa ipinakitang video clips din ay kitang-kita na siya mismo ang gumagawa ng mga action scene at hindi nagpapa-double.

Ipina-freeze pa nga niya ang ilang eksena para ipakitang siya talaga ang gumagawa ng mga buwis-buhay na aksiyon at hindi siya nagpapa-double.

Alam kasi ng tao, stuntman ako, kahit noong nag-uumpisa ako sa ‘Jess Lapid Story,’ hindi tayo nagpapa-double,” anang senador pero nilinaw na doble ingat na siya sa mga buwis-buhay na eksena dahil hindi na siya bumabata.

Medyo umiilag na rin ako, siyempre, may edad na rin, eh. Ang sinasabi nila, baka ma-Eddie Garcia ako, huwag naman sana. At ‘yun nga, nag-iingat na rin ako, baka ang iniisip ko, kaya ko, ‘yun pala, ang katawan ko, hindi na. ’Yun ang ikinakakaba ko.

Sa tagal-tagal ko sa pelikula, ang dami ko nang kababalaghang ginawa, mga stunt, mga ganito, hinahampas sa mesa, pero wala pa akong bali hanggang ngayon. Sana, huwag naman,” sabi pa.

Idinagdag pa ni Sen Lito na kaya pa niya ang mga mabibigat na action scene at minsan ay inaawat na lang siya ng production.

Minsan gusto kong tumalon, minsan, tinanggal ang camera niyong direktor, sabi niya, ‘wag, hindi naman kailangan,’” pagbabahagi pa ng senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …