Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Judy Ann Santos John Arcilla

Judy Ann, John Arcilla makakasama ni Arjo sa bagong season ng Bagman

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKA-BONGGA naman ng bagong season ng Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde dahil isasali sa cast sina Judy Ann Santos at John Arcilla.
 
Ayon sa report ng abs.cbn..com, inihayag ng Variety na ang Bagman series ay ilulunsad sa Asia TV Forum (ATF) market sa Singapore sa December.

Sa bagong season ng Bagman, nalaman ni Benjo Malaya (Atayde), convicted prisoner at dating governor, ang kalunos-lunos na nangyari sa kanyang nawawalang pamilya. Kaya naman ang tinalikurang masamang gawi ay binalikan. At may bago siyang misyon ngayon, ang pagiging bagman sa kasalikuyang presidente ng Pilipinas para mapigilan ang napipintong pagkakaroon ng civil war.

Uumpisahan ang shooting ng bagong season ng Bagman sa Enero 2024. 

Ayon kay Ruel S. Bayani, head ng international productions ng ABS-CBN, “Having initially announced ‘The Bagman’ in March of this year, the timing could not be better to now be offering worldwide sales at ATF for our suspenseful, gripping, and fast-moving drama series.

As we continue to advocate for Filipino representation, we are thrilled to also be announcing the award-winning talent of Arjo, John, and Judy Ann who are now part of ‘The Bagman.’ Filipino programming is continuing to grow and expand.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …