Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon Janella Salvador

Jane at Janella  aprub sa lesbian movie/ girl’s love series

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa dating stage siya ngayon. At non-showbiz ang lalaking nakaka-date niya.

As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy.

“Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at hindi ko naman idini-deny ‘yun. And I think I want to keep it private lang so, bahala na sila kung sino siya (idine-date). Ha-hahaha!” natatawang sabi ni Jane.

Si Janella Salvador ang itinuturing ngayon ni Jane na best friend. Nagsimula silang maging malapit nang magkasama sila sa dating serye ng ABS-CBN na Darna.

Okey lang kay Jane na gumawa sila ng best friend niyang si Janella ng isang lesbian movie o Girl’s Love series in the future kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero ano ang masasabi ni Jane na may mga taong nagbibigay ng malisya sa friendship nila ni Janella at sinasabing baka raw may secret relationship na sila nito.

Kami naman ni Janella, pareho kaming natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tao sa friendship namin. We don’t mind kung sinasabing bagay kaming love team.

“We interact with the fans na natutuwa sa amin, kaya siguro minahal din nila ang friendship namin. Siguro, sa mga LGBT, they fantasize us and it’s okay lang. If maibibigay ba namin ang kaligayahan nila, why not?” aniya pa.

Kung may mag-offer nga sa kanila ni Janella ng isang lesbian-themed project, okey lang ba sa kanya o sa kanila ni Janella?

 Sagot ni Jane, “We’ve talked about and we’re open about the idea.

“Basta maganda ang story at maayos ang pagkakasulat ng script, sige, go. Trabaho pa rin naman ‘yun and people now are so open-minded about these things.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …