Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Quinn Carrillo Haslers viva

Denise, Hershie, Angelica, at Quinn nagkalabasan ng sikreto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG sikretong naitatago habambuhay. Ito ang patutunayan nina Denise Esteban, Hershie De Leon, Angelica Cervantes, at Quinn Carrillo, ang apat na babaeng bida sa HASLERS, streaming exclusively sa Vivamax simula December 8, 2023.

Sina Thea (Denise Esteban), Sofia (Hershie De Leon), Cheska (Angelica Cervantes), at Hazel (Quinn Carrillo) ay grupo ng magkakaibigang college students na magiging takbuhan ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan at sa mga pinaka-mahirap na pagsubok ng buhay.  

Lahat silang apat ay may kakaiba at ‘di pangkaraniwang trabaho para masustentuhan ang sarili at pamilya. Si Thea ay isang high-end prostitute, na ‘di kalaunan ay magiging trabaho rin ni Sofia dahil sa pangangailangan ng pera. Si Cheska ay isa namang topless maid, tagalinis ng bahay na nagtatrabaho ng walang suot na damit. Si Hazel naman ay kilalang drug runner. Lahat sila ay gagawin ang kahit na ano at magtatrabaho para sa pera, habang hawak ang pangarap na balang araw ay magbabago rin ang buhay nila, at gagawin nila ‘yon na magkakasama.

Hindi mauubos ang mga pagsubok na ibabato sa kanilang apat dahil maraming beses na mamaltratuhin at iba-blackmail ng mga abusadong lalaki. May insidente ring mangyayari sa isang party na imbitado silang apat. Magiging dahilan ito para masira ang kanilang pagkakaibigan at tuluyang magkakawatak-watak at maghihiwa-hiwalay ng landas.

Makalipas ang ilang taon, si Thea ay housewife na at may mayamang asawa, si Sofia ay naging dominatrix, at si Cheska ay successful career woman na, si Hazel naman ay tuluyang naligaw ng landas at mas lumala ang pagiging drug addict. 

Nagkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay pero isang trahedya ang magiging dahilan para magsama-sama silang muli, isa sa kanila ang magpapatiwakal. Sa muli nilang pagkikita, madidiskubre nilang parte sila ng suicide letter nito at sila ang sinisisi ng yumaong kaibigan sa lahat ng kamalasan at paghihirap na pinagdaanan niya.

Ang Haslers ay suspense-drama Vivamax Original Movie ni Jose Abdel Langit. Makakasama rin dito sina Marco Gomez at Calvin Reyes na gaganap bilang sina Alex at Gabby, ang dalawa sa maraming lalaking magpapaiyak at magpapahirap sa buhay ng mga bida.

Walang sikretong hindi nabubunyag, kahit ilang taon pa ang lumipas. Panoorin ang HASLERS sa Vivamax simula ngayong December 8, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …