Monday , December 23 2024
Princess Revilla

Princess Revilla focus sa pagtulong at ‘di pagpasok sa politika

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAHIYAIN pa rin hanggang ngayon ang ikatlo sa kapatid ni Sen. Bong Revilla, si Princess na dati ring nag-aartista at naging isa sa co-host ni German Moreno sa isang Sunday show noon.

Nakahuntahan namin isang hapon si Princess sa The Peninsula Manila na bagamat napakatipid magsalita ay naibahagi naman nito ang ginagawang pagtulong sa mahihirap at nangangailangang mga kababayan.

Pero bago pa lumawig ang usapan ay nilinaw agad nito at iginiit na wala siyang planong pumasok sa politika.

Aktibo kasi sa pagtulong si Princess.

Aniya, kahit anong pilit sa kanya ng ilang taong naniniwala sa kanyang kakayahang makapaglingkod ay hindi siya nahahalina na pasukin.

Ang ginagawang pagtulong ni Princess sa mga nangangailangan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay pagpapatuloy lamang sa legacy ng mga magulang nilang sina dating Sen. Ramon Revilla, Sr. at Azucena Mortel na kilalang philanthropist.

I find happiness in the pursuit of livelihood, cherishing the dignity of work. I derive immense joy from sharing the blessings bestowed by our Creator and lending a 

helping hand to those in need.

“We are not extravagant or showy, it’s far better to lend a hand to those who need it,” ani Princess na isang taon lang palang sinubukan ang showbiz noon. Nakagawa siya ng pelikulang Jessa: Blusang Itim 2 kasama si Gabby Concepcion.

Napanood din siya sa TV show na Balbakwa nina Dolphy, Babalu, at Panchito noong 1989.

Pagkaraan ng isang taon sa showbiz namuhay na lang ng tahimik si Princess kasama ang pamilya. Mahiyain naman kasi talaga at sinabing hindi talaga para sa kanya ang mundo ng showbiz.

Matagumpay na negosyante ngayon sj Princess at naka-focus sa kanyang construction business.

Taong 2021, pandemic ay itinayo ni Princess ang Princess Revilla Foundation, Inc.  katuwang ang mga kapatid para mas lumawak pa ang pagtulong nila sa mahihirap nating mga kababayan.

Ilan sa mga ginagawa ng kanyang foundation ay ang medical and dental mission, feeding program (Almusal ng Batang Matalino, Princess Rolling Kusina), livelihood program, disaster relief mission, education assistance, protection of the environment, at animal care and welfare.

Layunin ng din foundation na makatulong sa mga kababaihan, sa pamamagitan ng mga livelihood programs, gift-giving initiatives, at medical missions.

As a woman and a mother of three children myself, napakalapit sa puso ko ang kapakanan ng mga kababaihan lalo na ang single mothers.

“Naniniwala ako na ang mga kababaihan ang pinaka-vulnerable na sektor ng lipunan, especially sa panahon ng sakuna kaya sinimulan ko ang pagtulong sa mga kababaihan,” pagbabahagi pa ni Princess.

Idinagdag pa ng napakaganda pa

ring si Princess na, “Karapat-dapat lang na sila ay pagtuunan ng pansin sa pamamagitan ng pabibigay tulong at empowerment through support, counseling or life coaching, and more.

“The greatest kindness you can do to the least of our fellow is by helping them to develop their lives.

“I also believe that charity starts with family, so masaya rin ako na natutulungan ko ang iba ko pang mga kapatid ngayon as I promised my father before he passed,” aniya pa.

Kamakailan, nagkaroon ng kick off activity sa pamamagitan ng gift giving at feeding program ang Princess Revilla Foundation para sa may 400 kabataan, na may edad 3 hanggang 12 noong October 29, sa Brgy Habay II sa Bacoor City.

Kasama ang kanilang mga magulang, ang mga bata ay nag-enjoy sa mga palaro, gayundin sa mga pagkaing inihanda ng foundation. Namigay din si Princess ng mga premyo para sa mga batang may pinakamagandang Halloween cosrumes

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …