Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Bea Alonzo Rhea Tan

Bea at Manay Lolit nagkapatawaran, nagkabati

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKAAYOS na sina Lolit Solis at Bea Alonzo, matapos silang magkita sa birthday celebration ng Beautederm CEO and  president na si Ms. Rei Anicoche Tan noong Sabado ng gabi.

Isa si Bea sa ambassador ng kompanya ni Ms. Rei, kaya naman present ito sa importanteng okasyon.

Si Manay Lolit naman ay isa sa mga entertainment press na malalapit kay Ms. Rei, kaya naroon din siya sa birthday nito.

Say ni Nay Lolit, “Kahit noon pa sinasabi ko, kahit saan kami magkita, magso-sorry ako. Talagang that time, ang ano ko lang naiinis ako sa isang taong malapit sa kanya.”

Hirit naman ni Bea, “Unang beses ko po siyang na-meet ng personal. I’m happy na finally nagkita kami. Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran.

“Sino ba naman ako. Tao lang din naman ako. Sino ba naman ang hindi mag-a-accept ng apology, ‘di ba?

“I know na medyo ano na rin naman ‘yung health niya. Siyempre lahat din naman tayo tatanda. So, sa akin, it means a lot na may accountability. Nag-apologize siya.

“Pero sa totoo, hindi ko pa siya napo-proseso (ang pagbabati nila ni Lolit),” sabi ni Bea. 

Sa event din ng Beautederm nag-umpisa ang lahat, nang ipa-ban ng manager ni Bea na si Shirley Kuan si Manay Lolit sa mga presscon ni Bea sa Beautederm, dahil pinipitik nito ang aktres sa kanyang mga kolum.

Pero para kay Manay Lolit, isa itong malaking pagpa-power trip dahil hindi naman ‘yun event ni Bea, kundi ng Beautederm.

Kung ganyang nagkaayos na sina Bea at  Manay Lolt, sana ay magkaayos na rin sila ni Tita Shirley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …