SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ng CEO ng Kavougera by Mary Letim na si Mary Letim Ponce na madalas talaga siyang mapagkamalang si Jelai Andres saan mang lugar o event siyang mapunta.
Sa launching ng kanyang mga produktong Kavougera Tinted Cica Sunscreen Primer Gel Serum, Kavougera Whitening Hand & Body Serum Lotion, Kavougera Premium Kojic Soap naibahagi ni Ms Mary na lagi siyang pinagkakaguluhan dahil nga sa pag-aakalang siya ang sikat na content creator at social media star na si Jelai.
“Lagi. Lagi sa mga mall, kung saan ako pumunta. May mga pagkakataon pa nga na talagang pinagkakaguluhan ako kasi akala talaga nila ako si Jelai,” nangingiting pagbabahagi nito sa paglulunsad ng kanyang mga produkto noong Lunes.
“But Jelai is my friend since, siguro mga 10 years na. Pero noon hindi kami magkamukha kasi mataba ako,” pag-amin pa nito.
“Pero noong pumayat ako, talagang nagiging kamukha ko siya, sobra. Lalo na kapag kahit saan ako pumunta. May isa nga akong event na kasama ko siya ako iyong pinagkamalang si Jelai. Sabi ko na lang ito si Jelai, hindi ako, bakit ako ang kinukulit ninyo,” na toto naman na talagang mapagkakamalan mo dahil noong una nga namin siyang nakita akala rin namin ay siya si Jelai.
At ang reaksiyon ng totoong Jelai, natatawa.
May pagkakataon din ayon kay Ms Mary na kapag nagpi-pictorial sila ni Jelai ay pareho sila ng damit, buhok, suot.
“Natutuwa ang mga tao kapag ganyan. And Jelai is a very good friend of mine,” sabi pa ni Ms Mary.
Hindi na pala bago sa showbiz si Ms Mary dahil isa siyang magaling na make-up artist. Siya rin ang may-ari ng ML Salon and Spa at marami siyang mga artistang parokyano isa na nga roon si Jelai gayundin sina Lorna Tolentino, Regine Tolentino, Wilbert Tolentino at marami pang iba.
Kuwento ni Mary, maliit pa lang siya ay mahilig nang mag-ayos ng kanyang mga kaibigan na nadala niya hanggang sa paglaki. Kaya naman ito na rin ang naging propesyon niya. At sa tulong ng ilang kaibigan ay naisip naman niyang maglunsad ng mga produkto ng pampaganda at slimming & whitening health drink.
Ani Mary, Kavougera ang ipinangalan niya sa kanyang skincare brand dahil kabogera siya kung ituring ng mga tao lalo sa kanyang pananamit, pag-aayos, at maging ang kanyang mga ipino-post sa social media. Isa rin kasi siyang vlogger.
At nang matanong kung may pagkakataon sino sa mga artista ang gusto niyang maayusan at pagamitin ng Kavougera products. Ang sagot niya, ang kanyang kanyang idolong si Heart Evangelista.
Bagamat marami nang mga naglalabasang beauty products, buong ningning na Ipinagmamalaki ni Mary ang kanyang sunscreen primer gel serum, serum lotion, kojic soap at ang mga health drink.
“Pinag-aralan talaga namin ang paggawa sa mga ito. Mga isa hanggang dalawang linggo ay makikita na agad ang resulta,” pagmamalaki ni Mary.
Bukod sa mga produktong nabanggit, marami pang idaragdag si Mary na produkto tulad ng mga lip tint, make up at iba pa.
Sa kasalukuyan, mabibili ang Kavougera products sa Shoppe, Lazada, at sa Tiktok.