HATAWAN
ni Ed de Leon
IPALALABAS na bago mag-festival ang mga pelikulang na-reject sa Metro Manila Film Festival. Uunahan na nila ang festival kung kailan may pera pa ang mga tao.
Pero napansin lang namin, nang ma-reject ng MMFF ang pelikula ni Donny Pangilinan ay hindi na iyon napag-usapan. Ipalalabas pa ba iyan o maghihihtay sila ng susunod na festival?
Mahirap nang mailabas iyan sa sinehan, kasi reject iyan at hindi pa naman ganoon kasikat talaga iyang si Donny para madala ang isang pelikula.
Sana inasikaso nila at naisabay na sa iba pang nag-reject ng festival, kung hindi mas mahihirapan na silang ihanap iyan ng playdate.
Buti sana kung buhay pa ang tiyuhin ni Maricel Laxa na si Atty. Espiridion Laxa, eh wala na rin iyon.