Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
It’s Your Lucky Day

It’s Your Lucky Day ni Luis ibabalik

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG maganda nga ang feedback ng It’s Your Lucky Day, kaya ang sabi ibabalik ang show sa unang quarter ng 2024. Kung kailan at anong oras ipalalabas wala pa silang sinabi. Iyan ang isang show na hindi nga masyadong napag-isipan, dahil ipinalit lamang nila iyan sa show nilang It’s Showtimenang masuspinde ng 12 airing days. 

Iyang It’s your Lucky Day ni Luis Manzano at kanyang mga kasama ay talagang pang-12 araw lamang.

Pero dahil mahusay ang kanilang pagkakadala ng show, marami ang nakagusto roon, at marami ang nagsasabing sana nga ay ituloy iyon. Maganda rin naman ang feedback dahil sinuportahan iyon ng mga Vilmanian at hindi naman biro ang dami nila. Mas maganda ang showing niyon sa ratings, pero hindi nga nakaangat sa kulelat na puwesto. Hindi mo naman maaaring asahan iyon dahil talaga namang sa loob ng matagal na panahon ay kulelat na sa ratings ang It’s Showtime. Kaya aasahan mo bang ang substitute nila ng dalawang linggo lang ay mananalo sa mga kalaban, siyempre hindi rin naman.

Pero marami ang nagsasabi na siguro nga kung nagtagal ang It’s Your Lucky Day, hindi man nila talunin ang TVJ, kayang-kaya nila ang Eat Bulaga. Baka sakali pang malabanan nila ang TVJ sakali’t matapos na ang kontrata ng Eat Bulaga at ang It’s Your Lucky Day ang ipalit ng GMA 7. Mukhang mas may pag-asa eh, noon namang iyang It’s Showtime ay nasa ABS-CBN pa at pareho silang nasa 150 kw power, hindi nagawang talunin o dikitan man lang niyan ang TVJ. Eh ‘di baka nga mas may pag-asa pang lumaban ang It’s Your Lucky Day. Bukod doon wala namang duda na mas maliit pa ang cost of production ng It’s Your Lucky Day kaysa It’s Showtime na tinambakan na ng mga artistang host na nang lumamig ang popularidad ay hindi naman nila mapalitan. Dumami pang lalo ang kanilang hosts na hindi naman nakatutulong sa show.

Isa pa baka nga kailanganga magbihis na ng image si Vice Ganda. Hindi na rin siya effective eh.

Tingnan na lang natin oras na itinuloy na nga nila ang It’s Your Lucky Day.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …