Sunday , December 22 2024

Gasoline station isinara sa gas leak

PANSAMANTALANG isinara ang gasolinahan sa Quezon City nitong Lunes, dahil sa sinabing ‘gas leak.’

Agad kinordonan ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) ang Power Fill gasoline station sa Visayas Avenue matapos umalingasaw ang amoy ng gas na nagmumula sa gasolinahan.

Sinabi ng mga residente, nagsimula silang makaamoy ng gas nitong Linggo ng gabi, at lumakas pa nitong Lunes.

Nagtungo sa lugar ang mga kinatawan ng QC government, BFP, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para imbestigahan ang insidente.

Sinabi ng mga awtoridad na ang reserbang gas ng underground fuel tank ay dapat masipsip bago sila makapagsagawa ng gas leak test.

Dahil dito, bahagyang may pagsikip ang daloy ng mga sasakyan papasok sa Visayas Ave., mula sa Elliptical Road dahil isinara rin maging ang isang lane sa tapat ng gasolinahan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …