Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano

LA Santos natarayan ni Maricel pero napuri ang acting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI kami nagtataka kung nasabi ni LA Santos na na-intimidate siya kay Maricel Soriano. Sino nga ba naman ang hindi matatakot sa isang napakagaling na aktres na tulad ni Maricel. 

Natakot man sa Diamond star nagampanan namang mabuti ni LA ang kanyang karakter bilang isang special child na anak nito. Katunayan sobra-sobrang papuri ang sinabi sa kanya ni Maricel sa Grand Mediacon ng In His Mother’s Eyes kamakailan.

Isang malaking karangalan din sa parte ni LA na mapuri ng isang Maricel. Kahit naman si Roderick Paulate na gumaganap na tiyuhin at kapatid ni Maricel na nag-alaga kay LA nang mangibang-bansa si Maricel ay panay din ang puri kay LA.

“Siyempre, hindi naman po mawawala ‘yun. Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po.

“Kasi, si Inay Marya, ni isang beses, never niya akong pinabayaan. Sinigurado niya na nakakakain ako. Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong kinukumusta.

“Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong sinasamahan. Kaya naging mommy ko na rin talaga si Inay Marya,” pagbabahagi ni LA.

At hindi rin kami nagkata kung tinotoo rin ni LA ang pagkakatulak kay Maricel sa isang eksena kaya naman talagang natumba iyon.

Sa eksena’y nagwawala si LA habang sinusuyo ng Diamond Star hanggang sa maitulak niya ito.

“Si Inay din kasi, siya ang may gusto. Noong una, hindi talaga dapat totoo. Pero si Inay, pinagsasabihan niya ako, ‘Totohanin mo! Itulak mo ako!’

“Ginaganoon ako ni Inay. After niyong eksena na ‘yun, halos maiyak po ako,” depensa ni LA.

At dahil sa eksenang iyon,  natarayan siya ni Maricel, “Siyempre natarayan naman po. Kasi siyempre, nanay ko siya, eh. Hindi naman mawawala ‘yun.

“Nagiging mataray siya sa akin pagdating sa karakter ko kapag nag-aaral kami ng script. ‘Yun naman ang naa-appreciate ko nang sobra kay Inay, kasi sobrang ginagabayan niya ako. Sobrang hindi niya ako pinabayaan,” sabi pa ng batang aktor.

Ibinahagi rin ni LA na mangiyak-ngiyak siya sa tuwa nang malamang makakasama sina Maricel at Kuya Dick sa pelikula. At kahit ang producer at ina ni LA na si Mommy Flor Santos ay sinabing walang ibang pwedeng gumanap na ina at kapatid sa In His Mother’s Eyes kundi sina Maria at Kuya Dick.   

“Kaya habambuhay, parang ano, mas na-push ko pa ang sarili ko na galingan dahil ayoko talaga siyang i-take for granted. Kasi, mahirap talaga na makasama sila. Kasi siyempre, Diamond Star! Kaya ginalingan ko talaga,” anito.

Sinabi pa ni LA na nag-research siya sa role na ginampanan niya sa In His Mother’s Eyes na isinulat nina Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio. Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide simula sa November 29, mula sa direksiyon ni FM Reyes.

Kasama rin sa pelikula sina Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales, at Skylee Alcalde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …