HATAWAN
ni Ed de Leon
EWAN kung bakit ngayon namang natapos na ni Matteo Guidicelli ang isang pelikulang dapat sanang ginawa ni James Reid noong araw. Ngayon sinasabi naman nila na mukhang mas ok nga raw kung ginawa na iyon ni James noong araw. May nagsasabing mukha raw mas pogi pa rin at mas sexy si James, bukod nga sa katotohanang mas sumikat naman iyon bilang matinee idol kaysa kay Matteo.Ok din naman si Matteo, pero ewan kung bakit sinasabi nilang mukhang mas ok si James.
Si James naman, mukhang hindi na importante ang pelikula, gusto niyang mag-concentrate sa music na inaakala niyang mas may kinabukasan siya. Iyon ang feeling niya eh, mas may potential siya sa music industry, kaya tinalikuran na niya ang acting at doon siya nag-concentrate, at sa pangarap niyang maging artists manager. Sa palagay naman namin talagang makakaya iyon ni James, masyado nga lang siyang nagmadali. Kung naghintay siya ng ilang panahon pa bago siya nagsolo ng trabaho, baka mas may napuntahan pa ang kanyang effort.
Hindi naman sa pinangungunahan namin siya pero sa palagay namin ay mali ang timing niya sa pag-volt out sa dati niyang mga producer. Mas mataas pa sana ang kanyang maaabot, na ibig sabihin mas matibay siya sa mga makahaharap niyang pagsubok sa kanyang pagsasariling lakad, ewan kung bakit nga ba naisip niyang magsarili agad.
Mali rin ang mga projection niya eh. Noong una, inaasahan niyang sasama sa kanya si Nadine Lustrena tinangka naman niyon, pero hindi nga nakalusot dahil sa napirmahan niyang kontrata sa Viva. Dapat pinag-aralan muna nila ang kanilang sitwasyon bago gumawa ng ganoong desisyon.
Kami man naniniwala rin na siguro nga kung si James ang bida sa pelikula, mas magiging malakas ang batak niyon sa takilya kaysa sitwasyon ni Matteo.
Noong araw, malakas din naman si Matteo, pero dahil sa may pamilya na rin naman siya, parang nabawasan na ang batak niya sa fans.
Sana nga maging ok naman ang pelikula ni Matteo dahil kung hindi ipipilit ng mga tao na mas ok iyon kung si James ang natuloy.