Sunday , December 22 2024
Matthew Fritz Gaston

IP Games ng PSC magbabalik sa Palawan

ISASAGAWA ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang Indigenous People’s Game ngayong weekend sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa pamamagitan ng Office of PSC Commissioner Matthew ‘Fritz’ Gaston at sa masinsin na koordinasyon sa Provincial Sports Office, ang IP Games ay muling magbabalik sa face-to-face bilang pagtalima sa mandato na pangalagaan at maipreserba ang kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino.

Kabuuang siyam na tribo at sasabak sa walong disiplina sa program ana nakatakda sa Nobyembre 18-19 sa ramon V. Mitra Sports Complex.

“Ito ay ating mandato na pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ang mayamang pamana ng kultura ng ating mga Katutubo na nakasaad sa Republic Act (RA) 8371. Ito ang aking pangalawang pagkakataon na makibahagi sa IP Games. Although yung una kay Com. Bong Coo yun dahil sa Women’s Sports activity sa Benguet,” ani Gaston sa special session ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports’ nitong  Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate Manila.

“Ang aming malaking hamon ay ang koordinasyon sa mga pinuno ng tribo. Ngunit sa tulong ng NCIP at mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Palawan, nakausap natin ang lahat at pagkatapos ng serye ng pagpupulong naisaayos natin and all system go para sa pagbabalik ng IP Games,’ dagdag ni Gaston sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Ang huling pagkakataon na ginanap ang IP Games ay noong 2021 pagkatapos ng dalawang taong pahinga dahil sa pandemya ng Covid-19, ngunit ang mga laro ay ginanap sa pamamagitan ng recording  para sa mga layunin ng dokumentaryo ng PSC sa pangangasiwa noon ni Commissioner Charles Maxey.

Ang siyam na tribung kalahok ay ang Molbog, Palaw’an, Tagbanua Central, Tagbanua Tandolanen, Tabuana Calamianen, Batak, Cuyonon, Agutaynen at Cagayanen. Ang mga kalahok na tribo ay sasabak sa Palarong Pana, Sibat, Supok, Pagbayo as Palay, Santik, Takbo, Trumpo at Kadang-Kadang.

“Sa kasalukuyan, may 196  miyembro ng tribo ang nagpalista. We expected na madagdagan ito during the Games proper,” sambit ni Gaston.

Ang paglikha ng Indigenous Peoples Games (IPG) ng Komisyon ay alinsunod sa apela ng United Nations Educational and Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa pangangalaga ng cultural heritage sa buong mundo.  Ito ay isang natatanging platform para sa mga IP upang ipakita ang kanilang tradisyonal na palakasan at laro. Ang layunin ng programang ito ay ang pagpapanatili ng mga tradisyonal na palakasan at laro ng mga Katutubo (IPs); itaguyod ang kapayapaan, pagkakaisa, at tukuyin ang mga potensyal na talent.

Sinabi ni Gaston na ang koordinasyon ay isinasagawa din upang magsagawa ng IP Games sa iba pang bahagi ng bansa at isang National Championship ay posibleng isagawa sa hinaharap.

“Marami tayong IP sa Luzon andyan ang mga aetas, igorot sa Ifugao, sa Visayas mga kapatid nating Magyan at mga Manobo. Marami pa. Tukuyin natin at isa-sahin natin at kung kakayanin natin Magandang ideya yung gumawa tayo ng National Games para sa mga kapatid nating IP,” aniya.

“Natutuwa rin kami na ang mga private partners na Pocari Sweat at Milo ay magbibigay ng suporta para sa proyekto. Sana, maging handa tayo para sa IP Games at magkaroon ng matagumpay na kaganapan para sa atin at sa ating mga IP community sa Palawan,” dagdag ni Gaston. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …