Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Utas sa saksak
Binatilyo buwis buhay sa birthday party

PATAY ang isang binatilyo nang makipagsaksakan sa 21-anyos binata sa isang birthday party sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital (NCH) ang biktimang menor de edad sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan habang nadakip ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na isang alyas Jerome, residente sa Leongson St., Brgy. San Roque nang matunton sa pinagdalhang ospital ng kaanak dahil may saksak sa kanang bahagi ng katawan malapit sa kili-kili.

Sa ulat ni Col. Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagtungo sa isang birthday party ang dalawang nagsaksakan dakong 9:00 pm sa Tulay Uno, Daang Hari St., Brgy. Daang Hari upang makisaya pero biglang narinig ang kanilang mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang binatilyo pero naglabas din ng patalim ang huli saka gumanti ng saksak sa ‘kaaway.’

Matapos ito, isinugod ang biktima sa nasabing ospital, ngunit idineklarang dead on arrival, habang natunton ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2, sa pangunguna ni P/EMSgt. Guiama Ibrahim ang suspek sa Tondo Medical Center (TMC) dakong 12:10 am kung saan siya inaresto. (ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …