Sunday , December 22 2024
Sam Versoza Dear SV GMA

SV iginiit ‘di totoong engage na sila ni Rhian; Excited sa Dear SV na nasa GMA na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilang hindi maiyak ni Cong. Sam Versoza habang nagpapaliwanag sa kung paanong marami silang natutulungan at kung paano nila ipinadadala ang tulong sa mga kapwa Filipino na nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang show sa GMA 7, ang Dear SV. AngDear SV ay mapapanood simula sa Sabado, November 18, 11:30 p.m..

“Ang programang ito, sabi nga ni Kuya Will (Willie Revillame), sabi ng team ko, nakikita ko na programa para sa bawat Filipino. Nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ng kaunting luha at sa dulo nagbibigay po ng kaunting saya,” ani Sam na medyo gumagaralgal na ang boses.

At sa mga sumunod nitong sinabi ay doon na talaga hindi napigilan ni Sam na ‘di maiyak. Anito, “napakahirap pong gawin ang mga pinupuntahan namin, ang team ko po napakagaling gumawa ng script, ng pagpili ng mga tinutulungan, ng pagsama roon. Ang layo ng mga tinutulungan namin, pinupuntahan namin. Nagkakasakit na po sila. Iyong huling pinuntahan namin sa Davao, (at tuluyan nang tumulo ang luha ng kongresista) halos naospital na po ang isa naming kasama dahil sobrang pagod. So, hindi ito programa lang, talagang ano ito, advocacy po namin ito at sobrang proud namin dito.

“Sana po magbigay-inspirasyon, pag-asa, at saya sa lahat, maraming-maraming salamat.”

Bago pa man ito ay masayang humarap si Sam sa entertainment press para sa launching ng kanyang bagong show sa GMA 7. Nagbibiro pa nga ito na dahil nasa GMA ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos, kailangang nasa Kapuso Network din siya.

Hindi naman bago ang pagtulong na ginagawa ni Sam sa mga kapwa natin Filipino at mas marami lang siyang maaabot ngayon dahil sa programang Dear SV. At dahil sa programang ito’y lalong namulat si SV sa harsh realities ng buhay na hindi niya inakalagang talagang nangyayari o dinadanas ng mga kapwa Pinoy. Isa nga sa hindi niya makalilimutang encounter ay ang 86 taong gulang na pedicab driver, si Lola Fedeng. 

To me, that was really an eye opener. Imagine, Lola Fedeng still works at her old age. She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet. Her story is really inspiring. That’s what we want to share—to inspire more,” ani SV.

Marami pang kuwentong katulad ni Lola Fedeng pero ang tiyak rito’y matapos nilang magpadala ng tulong binabalikan nila ang mga ito para kumustahin at makita kung may progress ba iyong ibinahagi nilang tulong sa mga ito.

Nasabi pa ni SV na excited siya sa bagong home network nila, ang GMA. “This will give us more opportunities to share more inspiring stories to many Filipinos through the network’s reach.

“Dear SV highlights not only individuals but also the communities that hurdle all the hardships to improve and uplift their conditions in life.

“My advocacy is to help the helpless who work hard to improve their standard of living. And that’s exactly what Dear SV stands for,” giit pa ni Sam.

Samantala, nasabi ni SV na very supportive si Rhian sa kanyang show. In fact, sumasama pa ito minsan sa mga shoot. “One time wala sa plano kaming dalawa ang nagbigay ng regalo sa taong karapat-dapat. Bigla siyang lumabas sa isang episode at siya mismo ang nag-abot ng regalo. Sa Davao nangyari iyon.”

Nasabi pa ni SV na, “Si Rhian matagal na rin gumagawa ng mga charities niya by herself to her fanclub, sa birthday niya. Ang maganda niyan, iisa ang advocacy namin. Isa rin iyon sa naging ano namin noong nag-uumpisa kaming magkakilala, pangarap niya na magtayo ng community na sustainable na makakatulong sa mga tao. Isa iyon sa nag-connect sa amin.”

At isa iyon sa minahal din ni Sam kay Rhian.

Siyempre, gusto natin may puso rin. Since nasa Kapuso kami eh nakita ko iyong ganda ng damdamin niya,” sabi pa ni Sam.

Sa kabilang banda, itinanggi ni Sam na engage na sila ni Rhian. 

Ewan ko po, wala naman, hindi ko alam kung sana nila nakuha iyan.”

Nang igiit sa kanya na kung wala ba talaga (engagement), sinabi nitong, “Wala po talaga.”

Inamin naman ni SV na napag-uusapan na nila ni Rhian ang mga bagay na iyon pero siyempre kapag nangyari iyon, surprise.  

Pero papunta na ba roon ang relasyon nila, tanong muli sa kanya? 

Sana po.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …