Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo

Kathryn iiwan na ang wholesome image, handa na sa matured roles

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN namin ang mga lumabas na seksing pictures ni Kathryn Bernardo, na ang tanging nakatakip sa dibdib ay maliit na hugis puso. Nakahanda na ba si Kathryn na iwan ang kanyang wholesome image at tumanggap na ng matured roles? Siguro nga naisip na rin niyang panahon na rin naman para harapin niya ang mga matured role at iwan na ang pagpapa-cute, kaya lang hindi ba niya naisip na iyon ang gusto ng publiko sa kanya?

Sa loob ng mahabang panahon, kumita ang love team nilang dalawa ni Daniel Padilla. In fact ang isa nilang pelikula ay kumita ng halos P1-B. Naulit iyon nang magtambal naman silang dalawa ni Alden Richards na kumita rin ng P1-B, na sinasabi pang highest grossing film of all time sa PIlipinas.

Tatalikuran na lang ba niya iyon para gumawa ng mga matured role? Kung pag-aaralang mabuti ang takbo ng kanyang career mukhang ayaw pa ng fans na baguhin niya ang kanyang image, nang gumawa siya ng isang hindi love story, kumita rin naman ang pelikula pero hindi kasing laki ng dati. Marami ang nagsasabing kung iyon ay isang KathNiel movie, tiyak na mas malaki pa ang kinita niyon.

Maliwanag ang naging sagot ng mga tao sa pagbabago ng image ni Kathryn, bagama’t maganda iyon dahil napatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang isang aktres, iba ang hinahanap ng publiko sa kanya. Nasa kamay niya ngayon iyan kung ipipilit niya ang pagbabagong inaakala niyang tama at hindi pahahalahagan ang commercial viability ng kanyang mga pelikula.

Dapat niyang isipin na ang kasikatan ng isang artista ay nakasasalay lamang sa kikitain ng kanyang pelikula. Kahit na ano pa ang sabihin ng mga kritiko, kung hindi kumikita ang pelikula ng isang artrista, balewala rin.

Magandang halimbawa ang isang female star na kung sabihin ng kanyang fans ay mahirap pantayan ang kahusayan bilang isang aktres, pero dahil sa hindi kumikita ang kanyang mga ginagawang pelikula, wala nang gustong kumuha sa kanya kundi mga indie producer at ang mga pelikula niyang tapos na nang matagal na panahon ay hindi maipalabas sa mga sinehan.

Hindi lang iyan, mayroon pang isang dati ay sikat na sikat na aktres din na bumaba nang bumaba ang popularidad simula nang masira ang kanyang love team na nagugustuhan ng masa. Parang kailangan nilang mag-reunion para mas mapansing muli ng fans, at kailangan niyang gawin iyon dahil nahalata na rin naman niyang nawawala na ang popularidad niya.

Dapat iniisip iyon ni Kathryn, kailangan naman ang isipin niya ay kung paano mas mapapa-angat ang kanyang career at kung paano mas mananatili ng matagal sa itaas. Kasabihan na nga, hindi mahirap ang umakyat hanggang sa tuktok na maaabot ng iyong career, ang mahirap ay kung paano ka mananatili basta naabot mo na ang tuktok.

Siyempre ayaw naman naming pangunahan si Kathryn, kung ano ang inaakala niyang makabubuti sa kanya, at marahil kung ano ang sinasabi ng kanyang advisers, bahala sila. Pero kung kami ang tatanungin, hindi pa ito ang panahon para magpalit ng image si Kathryn at gumawa ng mga matured role. Habang kumikita pa, samantalahin na niya dahil hindi araw-araw Pasko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …