ni Ed de Leon
MARAMI ang nakakapansin, mukha raw lumalala na ang content ng mga gay series na ipinalalabas sa internet. Hindi sapat iyong sila mismo ang naglalagay ng rating na restricted sa kanilang content. Wala namang paraan para ma-control nila ang mga nanonood sa kanila.
Siguro nga ang mas dapat gawin ay huwag silang maglalagay ng adult content sa kanilang mga palabas sa internet. Siguro dapat ngang panatilihin na ang lumalabas sa internet ay para sa general audiences lamang. Hindi sila saklaw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) pero kung sakali, maaari iyang pigilin ng NTC (National Transport Commission)