MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG November 5 ay birthday ni Cong. Arjo Atayde. Nag-post ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez sa Facebook account nito ng madadamdaming message para sa kanya.
Post ni Ibyang published as it is,”Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.
“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak.
“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!”
“Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako. Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako. Ahahahaha!”
“Anyway, today is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa.
“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal ka at mahal mo ang mga in laws mo at sobbbbrang masaya ka lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine,” ang pahayag pa ni Sylvia.
Nag-thank you rin si Ibyang kay Maine Mendoza dahil nakikita niya kung paano nito mahalin, alagaan, at irespeto si Arjo bilang asawa.
“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo.
“Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde.
“Love you nak (emojis),”