RATED R
ni Rommel Gonzales
NAIS ni Allen Dizon na maging direktor.
“Gusto kong mag-aral kung sakali man,” lahad ni Allen.
“Siguro ‘pag na-reach ko na ‘yung 50 years old ko baka puwede na ako. Kasi now I’m 46, so siguro four more years.
“Gusto ko ‘yung concept ko tapos ako ‘yung magdidirehe.
“Gusto kong mag-aral magdirehe kasi mahirap,” wika pa ni Allen.
Samantala, sa tagumpay ng Abot Kamay Na Pangarap, malaki ang nagawa nito sa kanyang popularidad.
“Ngayon kahit na sino nagpapapiktyur sa akin. Kahit saan ako pumunta ang tawag sa akin Doc Carlos,”ang bulalas pa ni Allen.
“Nakakapagod ding magpapapiktyur,” at tumawa si Allen.
Kahit nasa semeteryo siya nitong naraang Araw ng Mga Patay ay marami ang nagpalitrato sa kanya.
“Siguro dalawa, tatlong oras ako sa sementeryo, nag-iilaw ako sa tatay ko, halos lahat nagpapapiktyur,” ang aliw na tsika ni Allen.
Si Allen ang bagong brand ambassador ng SMART Access Philippines na isang international consultancy na ahensiya na tumutulong sa mga nais mag-migrate at mag-aral sa Australia.
Simula 2014 ay tumutulong na ito sa pag-aayos ng lahat ng kakailanganin, maging ang visa, ng mga nagnanais magkaroon o ipagpatuloy ang edukasyon sa Australia.
May apat na branches ito worldwide— Australia, Nepal, Pakistan at dito sa Pilipinas.
Present sa contract signing bukod kina Allen at manager niyang si Dennis Evangelista, ang owner/founder/director na sina Bibhusan Joshi, at ng country manager na si Stephanie Lasig.
Bukod sa Abot Kamay Na Pangarap ay may mga bagong pelikula si Allen tulad ng Ligalig with National artist Nora Aunor (na idinirehe ni Topel Lee); Abenida (ni Louie Ignacio) na nanalo siyang Best Actor sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy; Pamilya Sa Dilim kasama sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, at Teri Malvar (sa direksiyon ni Jay Altarejos), at ang action film na Off-Load (ni Rommel Ricafort).
Tinatapos na rin ni Allen ang horror family drama na Poon kasama sina Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Gina Pareno, at Lotlot de Leon, at ang Acetylene Love with Cannes Best Actress Jaclyn Jose.
Magsasama rin sa isang mainstream na pelikula sina Allen at Carmina Villarroel (na co-star niya sa Abot Kamay Na Pangarap) na kukunan sa Australia early next year.