Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

3 tulak huli sa Malabon at Navotas

TATLONG tulak ng ilegal na droga ang inaresto sa magkakahiwalay na buybust operations ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

               Sa ulat ni Navotas City police chief, Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 3:23 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ng buybust operation sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque nang makatanggap ng ulat hinggil sa illegal drug activities ni Patrick Rubio, alyas Tupa, 31 anyos, residente sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Rubio matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Judge Roldan St., Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan.

               Ani P/SSgt. Ramir Ramirez, nakompiska sa suspek ang 10.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,040 at isang P500 bill na ginamit bilang buybust money.

Sa Malabon, natimbog ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Jonas Gato sina Christian De Leon, 22 anyos, residente sa Brgy. Tañong, at Orlando Sito, alyas Buko, 49 anyos, isang fish vendor, residente sa Brgy. 8, Caloocan City, sa buybust operation sa C4 Road, Brgy. Tañong, 11:45 pm.

               Ayon kay P/SSgt. Kenneth Geronimo, nakuha sa mga suspek ang nasa 2.8 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P19,040 at P500 marked money.

               Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …