Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Tirso Cruz III Guy and Pip

Nora maiaangat ang career kung itatambal muli at gagawa ng pelikula kay Pip

HATAWAN
ni Ed de Leon

DAHIL naging success ang Sharon-Gabby Reunion Concert, bakit daw kaya hindi nila maisipan ngayong gumawa naman ng reunion ng Guy and Pip, na kung sabihin ng mga Noranian ay siyang unbeatable na love team. 

Marami nang nasubukan si Nora Aunor, kaso parang hindi kinakagat ng publiko ang mga ginagawa niyang indie, ang nananatiling nanonood sa kanya ay ang mga natitira niyang fans na karamihan ay mga Senior Citizen na rin. Dahil mga senior citizen na, kung manood man ng sine ay Lunes at Martes na lang dahil libre ang sine para sa mga senior citizen, kaya hindi kumikita ang kanyang mga ginagawang pelikula. Dahil din sa paniwalang ang pelikula ni Nora ay wala na ngang commercial viability kahit na sabihing National Artist pa siya, ni hindi nga siya nakapasok sa Metro Manila Film Festival. Takot ang mga sinehan dahil noong isali sa festival luminya si Nora sa mga pelikulang indie na hindi talaga tinatangkilik ng publiko. 

Ngayon kung igagawa siya ng isang light drama lamang siguro kagaya ng mga pelikula niyang kumita noong araw, at kung magkakasama nga sila ni Pip, baka sakaling makabawi siya. Kung natatandaan ninyo, naging festival top grosser noon ang kanilang  pelikulang Guy and Pip na idinirehe ni Kuya Germs. 

Kung iisipin, maaari rin sana silang magsimula sa reunion concert gaya ng Sharon-Gabby, pareho naman silang singers ni Pip, kaso sira na nga ang boses ni Nora sa ngayon at hindi naman natuloy iyong sinasabi niyang pagpapa-opera ng kanyang lalamunan sa doctor na siya ring umopera kay Julie Andrews. May mga nagbigay nga sa kanya ng pera para matuloy ang operasyon pero dahil sa dami na rin naman ng mga kompromiso niya, naubos ang perang iyon nang hindi siya nakakapagpagamot.

Sumali rin siya sa Dating Daan dahil sa pangako sa kanya noon ni Ka Eli Soriano na tutulungan siyang magpagamot sa Amerika.  Handa naman talagang panagutan iyon ng Dating Daan bilang tulong sa kanya na isang bagong kasapi, pero ang gusto nilang arrangement, sila ang mag-aayos ng lahat, kakausap sa ospital at sa mga doctor at kung ano pa ang mga kailangan na hindi naman yata nagustuhan ni Nora kaya hindi rin natuloy.

Bukod doon, naging usapan na ngang kahit na ano namang operasyon ang gawin sa kanya, siguro maibabalik ng kaunti ang kanyang boses para makapagsalita siya bg maayos, pero kung ang hinahanap niya ay maibalik ang sinasabing golden voice, malabo na iyon. Una matanda na rin naman siya at natural iba na ang boses niya kaysa dati. Kaya nga kung sakali, ruled out na ang isang reunion concert, maliban na lang kung magli-lip synch na lang siya ng mga dati niyang kanta at si Pip na lang ang kakanta nang live. Pero iyon ay kung may oras din si Pip, dahil sa dami ng trabaho niya bilang director General ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at lumalabas pa siya sa mga serye sa telebisyon.

Pero naniniwala kami na makatutulong kay Nora kung magkakatambal silang muli ni Pip, kaya lang kailan at paano?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …