Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Kim Chiu Kaila Estrada

Paulo Avelino ‘nagpabaya’ kaya tumaba?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAKANG-TAKA kami nang makitang payat si Paulo Avelino sa unang mediacon ng Linlang na pinagbibidahan nila nina Kim Chiu, JM de Guzman, Kaila Estrada, at Maricel Soriano.

Pero nang mapanood namin ang ilang episodes ng Linlang, mataba si Paulo. Kaya naman may mga nagsabing nagpabaya ang aktor. Pero hindi pala iyon ang istorya. Kinailangan pala talaga niyang magpataba para sa role na ginagampanan sa Linlang na isang OFW na asawa ni Kim na pinendeho.

Kuwento ni Paulo, kinailangan talaga niyang magpataba para sa mga unang episodes ng series at eventually ay pumayat. 

“Actually, parang siguro isang sacrifice na kinailangan isakripisyo ‘yung pagtanggap ng ibang proyekto dahil hindi angkop sa look ko,” panimulang esplika ni Paulo.

“And nagtataka ‘yung ibang tao parang nagpabaya raw ako. Pero it was all to prepare for ‘Linlang.’ Kumbaga ‘yung dedication ko na ibinigay sa proyektong ito, ibinigay ko talaga.”

Sinabi pa ni Paulo na talagang hindi siya tumanggap ng ibang proyekto bilang paghahanda sa Linlang.

“Hindi ako tumanggap ng ibang proyekto para matutukan ko ito. At the same time, ang dami ko ring disiplina na ginawa sa sarili ko para ma-achieve ‘yung sa tingin ko makatutulong sa show in some way in terms of believability,” esplika pa ni Paulo. 

Masaya naman si Paulo sa ginawa niyang sakripisyo dahil napansin talaga iyon ng mga tumututok sa kanilang serye.

Okay naman. Medyo struggle talaga dahil may ginusto ako i-achieve which is na-achieve naman which is sa weight and ‘yung differences ng character development ni Victor until dito sa present nila. I’m very excited for the next episodes, medyo nakawiwindang lang ‘yung mga mangyayari na hindi ini-expect ng mga tao. Pero at the end of the day, hindi ‘yun ‘yung mangyayari based sa nalalaman namin. 

“So, nakatutuwa rin na hindi ganoon ka-predictable ‘yung istorya. Nalinlang din ‘yung viewers,” nakangiting paliwanag pa ng aktor.

Sa kabilang banda, proud na proud si Paulo na marami ang pumupuri sa kanila lalo na sa itinatakbo ng istorya ngayon ng Linlang.  

“When it was first pitched to me, they kept telling stories of infidelity. Tapos itong mga istorya na ito, out of this world talaga na grabe na kumbaga ‘pag narinig mo yung story ng Linlang, wala pa ito sa mga totoong story. 

“So, siguro na-consolidate nila at ginawan nila ng kuwento ‘yung mga nangyayari. It goes to show that we wanted the show to be as grounded as possible and as real as possible. So kung sasabihin ng mga tao na imposibleng mangyari ‘yan, nangyayari po ito. Nangyayari talaga ito kasi maraming pinagbasehan and in fairness to our researchers and our writers, maraming pinanggalingan itong mga eksena at itong mga pangyayari rito sa ‘Linlang,’” sabi pa ni Paulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …