Wednesday , April 23 2025
Ruru Madrid Phillip Salvador

Ruru pasado sa pagiging metikuloso ni Ipe

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUHOS ang magagaling na veteran action stars sa action series ni Ruru Madrid na magsisimula sa GMA Primetime ngayong gabi, ang Black Rider.

Dumalo sa mediacon sina Raymart Santiago, Monsour del Rosario, Zoren Legaspi habang wala naman sina Roi Vinzon, Kier Legaspi at yes, ang mentor ni Ruru na si Phillip Savador matapos ang mahigit isang dekada.

Noong reality talent search na Protégé taong 2011, naging mentor ni Ruru si Phillip. Hindi man pinalad maging grand winner, sabi ni Ipe, “Kung hindi siya magaling, hindi siya si Black Ride ngayon.”

Choosy sa projects si Phlilip kaya naman tinaggap niya ang GMA Public Affairs series dahil gusto niyang makasama muli si Ruru.

Dagdag na sabi pa ni Ipe kay Ruru, “Hindi puwedeeng guwapo ka lang, kailangan mayroon kang alam. Kailangan alam mo ang gagawin mo!”

Sa series, lalabas bilang si Mariano si Kuya Ipe na magtuturo ng self defense at martial arts sa karater ni Ruru bilang si Elias Guerrero.

Naku, metikuloso at magaling na artista si Phillip kaya alam naming malaki ang nagawa niyang  tulong kay Ruru sa bago niyang series.

About Jun Nardo

Check Also

9th Inding Indie Coco Martin

9th Inding-Indie Film Festival matagumpay, dinagsa sa Gateway Mall

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio DINAGSA ng mga tagasuporta, manonood, at personalidad mula sa industriya …

Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano …

Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory …

Sheryl Cruz

Sheryl sunod-sunod pagkilalang natatanggap

MA at PAni Rommel Placente SUNOD-SUNOD ang acting awards na natanggap ni Sheryl Cruz mula sa iba’t …

Vilma Santos Nora Aunor 2

Vilmanian kami subalit may respeto kapag nagkikita ni Nora

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY Ester to all Hataw readers! Back to reality kahit na nga may lungkot …