Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.1-M shabu huli sa 2 tulak ng bato

ARESTADO ang dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Kalbo, 41 anyos, isang HVI, residente sa Brgy. 8; at isang alyas Bet, 42 anyos, ng Brgy. 73, kapwa ng nasabing lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta, dakong 5:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Emmanuel Aldana ng buybust operation nang matanggap ang impormasyon hinggil sa illegal drug activities ni alyas Kalbo.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos magsabwatan para bentahan ng halagang P8,500 shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Julian Felipe St., Brgy. 8.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 20 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P136,000, at buybust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.

Nakatakdang isailalim ang mga suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office kaugnay ng kakaharapin nilang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 of Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …