Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig ng mayor.

E kasi naman, ang supporters ni mayor at ang mekanismo sa oras ng halalan ay ipinahihiram para masiguro na ang bet niyang mananalo ay ‘bata’ niya.

Lalo na kung ang dating kapitan ay maayos, tahimik ang lugar, walang ilegal na drogang nagkalat, at dahil subok na ni mayor, bakit need pa suportahan ang isang baguhan?

Kung si dating kapitan ay hindi na tatakbo o magreretiro, pero asawa o anak ang gustong ipalit, malaki ang tsansa na manalo ang bagong tatakbo, na kadalasan ay nagiging first Kagawad, pero kung ‘di ka feel ni mayor, susuporta siya ng iba!

Ngayon, kung kilala ka na sa barangay mo kahit hindi ka politiko, matulungin, at madaling lapitan, may tsansa kang manalo dahil mga tao na ang hihimok sa iyo pero pag-isipan pa rin dahil kahit anong lakas mo sa tao, ang ihip ng hangin ay nagbabago.  Ang resulta sama ng loob dahil hindi ka nanalo.

Sabi nga, puwede namang tumulong kahit wala sa politika, ‘yun nga lang iba ‘yung may pondo mula sa gobyerno. Kasi kadalasan ‘yung lumalapit sa iyo ay personal use lamang, may sakit, naputulan ng koryente, walang bigas pansaing, iba ‘yung may katungkulan ka na mayroong pondo tulad ng pagpapagawa ng kalsada, pagpapagawa ng mga poso, dahil marami ang makikinabang.

Pero tandaan ninyo… walang nananalo kapag puro paninira sa kalaban lalo na kung walang sapat na ebidensiya. Kayang ipaliwanag ‘yan! ‘Yung mga gumagamit ng social media tsismis lang.

Doon sa mga natalo, isa na riyan sa lungsod ng Parañaque, better luck next time!

Bata ka pa iha! Ituloy mo ang pagiging abogada mo, saka ka sumabak muli sa politika! Magiging karangalan ng Parañaqueños ang isang tulad mo. Maging mapagkumbaba at ‘wag makinig sa mga taong gumagamit sa iyo dahil hindi ka hihilahin pataas kundi pababa.

Makinig at pakinggan ang mga nakatatanda, ‘wag makinig sa mga taong puno ng galit sa mga kalaban, ‘wag pagamit. Dahil ang sumusunod sa nakatatanda ay pinagpapala.

Hindi ko na babanggitin ang pangalan mo pero napakasuwerte mo dahil kabilang ka sa pamilya ng tinitingalang tao sa lungsod ng Parañaque, huwag makinig sa mga sabit lang sa pamilya ninyo dahil wawasakin lang ang dapat ay magandang relasyon Ninyo.

Gusto ko pagdating ng panahon isa ka nang ganap na abogado para tumulong sa mga legal cases ng mahihirap mong kalugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …