Wednesday , April 2 2025
lovers syota posas arrest

Mag-dyowang wanted sa estafa huli sa Navotas

SHOOT sa kulungan ang mag-dyowang meat vendor na parehong wanted sa batas sa  isinagawang manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 6:00 pm nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ikinasang manhunt operation sa pangunguna ni P/SMSgt. Alano Quisto ang akusadong si alyas Dog, 55 anyos, residente sa Brgy. Longos, Malabon City.

Batay sa ulat ni P/SMSgt. Quisto, ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Esteban V. Gonzaga ng MeTC Branch 50, Caloocan City noong 19 Pebrero 2001 dahil sa paglabag sa BP 22 (3 counts).

Nauna rito, dakong 11:20 am nang madakip ng mga tauhan ng WSS ang kanyang asawang si alyas Marites, 48 anyos, sa manhunt operation sa Bangus St., at Apahap St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran.

Inaresto si alyas Maritess sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Edison F. Quintin ng MeTC Branch 56, Malabon City noong 22 Disyembre 2008 sa paglabag sa BP 22 (2 counts).

Ayon kay Col. Cortes, dakong 10:55 am, nadiskubre ng WSS na may inilabas na warrant of arrest ang Caloocan City, MeTC Branch 50, noong 19 Pebrero 2001 sa paglabag sa BP 22 (2 counts) laban kay ‘Marites’ kaya isinilbi ng mga tauhan ng WSS sa loob ng Custodial Facility ng Navotas Police Station. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …