Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi gagawa sa Viva

HAPPY, happy birthday today, November 3, sa isa sa itinututing naming kaibigan sa showbiz, si Vilma Santos-Recto, ang Ate Vi ng lahat.

Ang dating manager ni  Ate Vi, ang namayapang si Wiliam Leary ang isa sa dahilan kung bakit napalapit kami sa kanya.

 Idagdag pa natin ang TV executive na si Chit Guerrero na naging malaki ang bahagi sa buhay ni Vilma sa telebisyon, ang pumanaw na ring si Ate Aida Fandialan, kanyang Ate Emily.

Nang pasukin ni Ate Vi ang politika, naging katuwang niya rin kami lalo na kapag nagpapaimbita ng press sa kanyang malalaking events sa Batangas.

Now, aktibo at mabenta pa rin sa showbiz at endorsements si Ate Vi. Kaya sa kaarawan niya, wish niyang bumalik ang sigla ng local movies at ang festival movie niya with Christopher de Leon ang handog nila sa manonood.

Marami nang beses na naming nakita si Vilma na masaya, malungkot, at umiyak. Pero nananatili siyang matapang sa hamon ng buhay.

Isang ugali ni Ate Vi ang kapag pinagkatiwalaan ka niya, huwag mong sirain ito at makakasama ka niya nasa showbiz pa man siya o wala na.

Ang isang balita nalaman namin kay Ate Vi, magbabalik-Viva siya sa isang pelikulang gagawin after ng iba niyang commitments. 

Malaki ang parte ng Viva sa buhay ng isang Vilma Santos pati na ang Regal Films kaya basta maganda ang kuwento, hindi puwedeng hindi niya pagbigyan ang dalawang malaking producers ng local films.

Happy, happy birthday, Ate Vi!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …