Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Army ROTC Games Champiom

Phil. Army kampeon sa ROTC Games National Finals

HUMAKOT ang Philippine Army ng kabuuang 20 gold, 16 silver at 18 bronze medals para dominahin ang 2023 ROTC Games National Championships na itiniklop kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Sumegunda ang Navy sa nakuhang 9 golds, 7 silvers at 15 bronzes, habang may 2 golds, 8 silvers at 13 bronzes ang Air Force sa bakbakan ng mga cadet-athletes ng tatlong service branches ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pitong ginto ang hinataw ng mga Armymen sa arnis tampok ang dalawa ni Maria LG Mae Ballester at tig-isa nina Lolito Bacor Jr., Villamiel Tiongson, Febie Tacda, Kyla Dela Torre at Joana Dela Cruz.

Sumuntok ng limang golds ang mga Army boxers sa likod nina Florence Sumpay, Tina Pais, Kristine Grace Marquez, Alfred Deslate at Joel Efondo.

May apat na golds ang Army sa kickboxing mula sa mga panalo nina Betty Mae Churping, Kathleen Igualdo, Christopher Manipon at Kristel Grace Llenas.

Sa siyam na ginto ng Navy, ang tatlo ay nagmula kay Adamson University star Kent Francis Jardin na naghari sa men’s 200 meters, 4x100m at 4x400m relay ng athletics.

May dalawang ginto ang mga Navymen sa e-sports at tig-isa sa arnis at kickboxing.

Dinagit naman ng Air Force ang dalawang golds mula sa kickboxing at sa 4x100m relay events.

Sa 3×3 basketball, tinalo ng Jose Rizal Memorial State University ng Army ang University of Cagayan Valley ng Navy, 20-15, para sa gold medal.

Inungusan ng Ramon Magsaysay Memorial College ng Air Force ang Western Institute of Technology ng Army, 21-17, para sa bronze.

Sa volleyball, hinablot ng Adamson University ang gold matapos ungusan ang University of Negros Occidental-Recoletos, 3-1, samantalang binigo ng University of Cagayan Valley ang Rizal Technological University, 3-0, para sa bronze. (Public Communications Office)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …