HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGBALIK na ang It’s Showtime, at kagaya ng inaasahan balik pa rin sila sa third place sa spot survey na isinagawa para makita kung may pagtaas ba sila ng audience share.
Nangunguna pa rin ang TVJ, sumunod ang Eat Bulaga raw, at third placer ang It’s Showtime.
Huwag nang ipagmalaki na mas mataas naman ang nanonood sa kanila sa internet, ang pinag-uusapan naman diyan ay TV show, ibig sabihin pinanood sa TV, hindi naman sinasabing ang naglalaban ay mga vlog na natural dapat abangan sa internet.