Friday , November 15 2024
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Boyet, Ate Vi iisa ang bday wish: bumaba ang bayad sa sinehan, maibalik pagdagsa ng publiko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAARAWAN niChristopher de Leon sa October 31 samantalang sa November 3 naman si Vilma Santos kaya sinorpresa sila ng mga kasamahan at bumubuo ng kanilang Metro Manila Film Festivalentry na When I Met You In Tokyo ng JG Productions sa mediacon na isinagawa kamakailan sa Seda Vertis North Hotel.

Kapwa nag-blow ng candles sa kani-kanilang cake ang dalawang bida at natanong sa kanilang wish.

Siguro, kung mayroon man akong birthday wish sa taong ito, wala akong hihilingin kundi sana, bumalik na ‘yung sigla ng Metro Manila Film Festival.

“And at the same time, ‘yung mga kababayan natin…na-miss na po namin ‘yung mga pila sa sinehan. At isang pinakamalaking wish ko this coming November 3 on my birthday, sana mababaan naman ‘yung fare ng sine.”

Sobrang mahal na nga naman kasi ng bayad sa sinehan na umaabot sa P400 at kung minsan depende pa sa sinehang panonooran. Kaya isa ito sa nagiging dahilan ng hindi panonood ng publiko sa mga sinehan lalo’t nauso at dumami na rin ang online platform na pinaglalabasan ng mga pelikula.

“Para maibalik natin, sana ipasa naman ‘yon, kahit pagbigyan lang natin ng tatlong taon. Maka-recover lang ang industriya natin. ‘Yung ibaba niyo muna sa dati muna ‘yung fare ng sine. Kasi hindi lahat makakaya ng P400 plus,” pakiusap ng Star for All Seasons.

Sana, give us naman ‘yung pagkakataon na ‘yun na, even for three years na maibalik lang namin ‘yung sigla at makita uli namin ‘yung mahahabang pila sa sinehan.

“So sana, I’ll pray for that. Na mapagbigyan na maibaba ‘yung bayad sa sine, para makaya na ng mga taga-C,D,E crowd. ‘Yun ang prayers ko,” wish ng aktres.

At si Boyet hiling niya na, “Of course, talagang dasal natin, let’s all thank God that this pandemic is over, ‘no. That it is over.

“So, let’s go back to the cinemas. Iba ‘yung ‘pag sumigla ‘yung cinema, ‘di ba? Iba ‘yung joy that we get when we go out, we buy popcorn, and then watch movie with family and all that.

“‘Yung saya, the simple happiness and pleasures in life na nagagawa natin dati. Na nahinto because of the pandemic. And now we’re back, so let’s go back to the cinema and support the good, local films that will come out sa mga mga darating na araw.

“And siyempre, wish ko, wish ko rin na… ‘When I Met You In Tokyo’ you know, will make it really big,”anang aktor.

Aminado ang dalawa na matindi ang pressure sa kanila na mapabalik ang publiko sa panonood sa sine, lalo sa MMFF 2023.

Yes. Kasi inabot namin ‘yun, eh. Nagkataong inabot namin ‘yun. Na nakita namin ‘yun talaga, ‘pag sinabing blockbuster, blockbuster talaga.

“Nakita natin ‘yung mga pelikula kung paano pilahan noong araw. Inabot din namin na hindi na pumipila sa SM, pumipila talaga sa sine. Parang ahas, ‘di ba?

“But nawala na ‘yun. Nakaka-miss ‘yung ganoon. And I think, it has something to do with our economy, too. And then, marami na ring challenges sa bansa. The pandemic and everything.

“So that’s why, marami ngayon ang umaasa, na sana ‘yung sigla na ‘yun, plus may kalaban pa tayo na iba-iba na plataporma sa social media.

“Kaya nang panoorin ‘yung mga pelikula roon. Ang daming kalaban. Pero wala pa ring makapagpapabago roon sa bonding na puwedeng gawin ‘pag naibalik natin ‘yung mga manonood talaga na pumipila, bonding ng family, kakain, manonood ng sine.

‘“Yun ang nawala sa tingin ko. So ngayon, yeah, it’s a burden. Na sana, this coming MMFF, with the 10 movies na io-offer, sana po.

“And then at the same time, I’m really praying ma-adjust ‘yung bayad. Sana po, sana po maibalik natin ‘yung sigla na ‘yun, ng mga manonood at ma-enjoy nila muli at bumalik sa sinehan,” sabi p ni Ate Vi.

Dagdag naman ni Boyet, “Yeah, okay, for us it’s not really we call it pressure, no. It’s more of a… how can we cater, how can we show something or contribute. Or how can we make people go back to the movie houses, and present a feel good, a beautiful visual. We always say, Vi, this is a visual feast! It is! It is!

“It is a visual feast, you know. ‘Pag pinanood mo ito, it’s going to be like blow you like, boom! A beautiful film, beautiful colors, you know, a beautiful story and all that.

“We want people to enjoy going back to the movie houses, kaya eto, nagkaroon ako ng target to do something. A movie like this that, you know, will cater to everyone.

“Cater to the young ones, our age, our fans, and even the adults and their children. It’s not a pressure pero for me, it should be really special. This movie, it should be really special.

“And ito po ang ginawa namin for several months, finishing the movie, we were like squeezing each other. Kami, lahat kami, everybody was pressuring each other to make this a beautiful film.

“And hopefully with this material that we have, this project that we have, ma-gain uli namin ‘yung trust ng mga tao to go back and enjoy Filipino films.

“Especially this movie, our movie, hoping and praying to God na of course, siyempre ito naman ang pangarap naming dalawa, ‘Gawa tayo ng pelikula uli!’ sabi ko. ‘Gawa tayo ng pelikula uli!’

“And I’m so lucky to be a part of this material, this movie. And hoping, ngayon pa lang, grateful that this is a beautiful movie. We have a beautiful movie that will cater to all.”

Ipinrodyus ito ng JG Productions with Ma. Rowena Jamaji, Rajan Gidwani as executive producers and Redgie A. Magno.

Makakasama rin sa When I Met You In Tokyo sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Lynn Cruz, Kakai Bautista, Tirso Cruz III, Jacky Woo, Gina Alajar, Gabby Eigenmann, Lotlot de Leon, at John Gabriel. Mula ito sa direksiyon nina Rado Peru at Rommel Penesa, with Christopher Strauss de Leon as associate director. Mapapanood na ito simula December 25.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …