SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TRADEMARK na ang maletang pula ni Dimples Romana na pinag-usapan at talaga namang nagkaroon ng napakaraming memes noong ginagawa at hanggang matapos ang Kadenang Ginto na pinagbidahan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.
Buong akala namin ay tapos na ang ‘kasikatan’ ng pulang maleta subalit hindi pa pala. Kahapon sa mediacon ng Gud Morning Kapatid dala-dala ni Dimples ang maleta. Isa kasi sa latest addition ang aktres sa morning show ng TV5. Kaya naman natanong agad ito kung napipikon ba kapag iniuugnay o tinatanong ang pulang maleta sa kanya.
“Sa totoo lang, dati napipikon ako noong tinatanong ako kasi it became a meme and it can be put everywhere. On top of buko, on top of kalabaw. And kasi as you know I’m not pikon at all kasi I’ve played with the characters nga that portrayed. Tingin ko kaya ito nagba-viral ako mismo pinaglalaruan ko ang mga character ko. Nae-enjoy ko.
“So eversince Daniela Mondragon (karakter niya sa Kadenang Ginto)came about. Ito ipinaalam pa nila ito siyempre sa Dreamscape family ko kina sir Deo (Endrinal), and I’m so happy they allowed. Kasi siyempre it is the property of Kadenang Ginto. Ako nga bihira na ako mag-red eh kasi nga kapag nag-pula ako kapag pumapasok ako ng restoran tumatabi ang mga tao, ha ha ha. Natatakot sila wala pa akong maleta niyon. Kapag nagmaleta pa ako baka talagang nagkaubusan na tayo ng pasensiya.
“I guess parang ako lang I’m so happy na this maleta has been very lucky for me, lot’s of opportunities not just by myself but people ultimately work for me like my glam team and the staff that around me and the shows that are actually involving around that particular maleta.
“May dala siya talagang suwerte no joke nakakatakot talaga. Biruin mo ilang taon na after Kadenang Ginto and it Daniela is going around and still making it’s round and this time sa TV naman siya nagawi hindi ko na alam kung saan naman siya dadalhin uli,” masayang pagbabahagi ni Dimples.
Sa Gud Morning Kapatid ay may totokahang segments si Dimples, ang “May Bahay” na siyempre ay ukol sa home improvement tips on a budget at ang “Smart Parenting” na tungkol naman sa parenting advice.
Kasama rin dito ni Dimples ang mga host na sina Jes Delos Santos, Chiqui Roa-Puno, Justin Quirino, at Maoui David.
Sa mga nagtataka naman kung magiging Kapatid na si Dimples at iniwan na ang Kapamilya. Sinabi ng aktres na, “I’m still a Kapamilya. It’s nice na ang sabi ni MJ kanina dual citizenship. I love it.
“Of course I’m not leaving Kapamilya Network. I’m still a Kapamilya, still with Star Magic. I’m so grateful to our bosses that I was given permission to do ‘Gud Morning Kapatid’ kasi this is for News 5,” esplika ni Dimples.
Inamin ni Dimples na may takot ang pagkakasama niya sa morning show pero at the same time masaya siya.
“For me kapag sinabi mong news this is a different kind of arena. It’s so scary pero sobrang happy ko rin.”
Ipinagtapat pa ni Dimples na matagal na rin niyang gustong magkaroon ng show, daily show na iba sa mga ginagawa niya tulad ng teleserye.
“I’ve always wanted to be on a daily show that talks about issues but at the same time, daily lives kasi roon din naman ‘yung gift ko rin. Parang as a story teller sa mga teleserye ‘yun ang trabaho ko eh, to interpret the lives of people who go through it na walang mga mukha sa kanila. Binibigyan namin sila ng mukha.
“So this time this is another form of story telling pero mas realidad na siya. Mas masasabi ko rin ‘yung wisdom na natutunan ko overtime. Ang totoo ng mga pinag-uusapan.”
Hindi naman problema kay Dimples ang pagkakaroon ng morning daily show dahil magagaling ang mga taong nakapaligid sa kanya para mabalanse niya ang oras sa kanyang trabaho at pamilya.
Napapanood ang Gud Morning Kapatid, Mondays to Fridays, 9:00 a.m. sa TV5.